
Precious Pages · Ongoing · 26 Chapters
He was everything any woman would dream of. And he was hers. The arrival of Daniel in her life fell from the sky for Blanca. He wasn’t just someone she could depend on when it came to her business problems. But she had fallen in love with Daniel. Blanca was sure, her feelings for Daniel were reciprocated. Because otherwise, he wouldn’t kiss her so passionately and find it so hard to leave her side. However, then Blanca discovered that from the beginning, the man wanted just revenge. He was the kid her brother used to bully, the one who lost so much because of her brother. Daniel wanted blood and not her heart. Most definitely not her love…
“A NG IBIG mong sabihin, hindi mo ako pakakasalan kahit na buntis na ako?”
Halos hindi makapaniwala si Conchita sa narinig, lalo na at nanggaling iyon sa mismong bibig ng ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Paano nangyaring ang lalaking pinakamamahal niya, ang lalaking inakalang naiiba sa lahat, katulad din pala ng marami?
Oo, alam niyang maraming naging babae si Dante, at alam din niya na marami itong anak. Pero hindi inasahan ni Conchita na hindi siya nito pakakasalan. Kapag nagtatanong siya noon tungkol sa mga babae nito, ang sagot ni Dante ay hindi nito nakasundo ang mga iyon. So inisip niyang dahil magkasundo sila, pakakasalan siya nito. Magkasundo sila sa lahat ng bagay! They were so good together that it almost seemed impossible that he was saying this!
“Alam mong marami akong anak at maraming babaeng hindi pinakasalan,” sagot ni Dante.
“So? Wala akong pakialam kahit maraming magiging kapatid ang anak natin.”
“That would make them all illegitimate.”
“That is the stupidest thing I have ever heard!” singhal ni Conchita. “Lahat ng anak mo ngayon illegitimate na kaya ano ang mababago?”
“It’s the principle of it. I love my children equally.”
“Bullshit!”
“Please, try to understand.”
“Get out.” Hindi na kaya ni Conchita na tingnan man lang si Dante. Niloko lang siya ng lalaki. Hindi pa rin niya maintindihan kung paano siya nagawang lokohin ni Dante sa loob ng anim na buwan nang hindi man lang siya nagdududa sa mga sinasabi nito. He said he loved her. But how could he love her when he wouldn’t even marry her?
“If I marry you, our child would be the only legitimate one.”
“And you prefer to have everyone illegitimate,” maaskad niyang sabi. Hindi siya makapaniwala na may panahong inakala niyang totoo ang mga sinasabi ni Dante. Maybe everything he ever told her was a lie. A lie to make her sleep with him. Kung nalaman lang niya, hindi siguro sila nagtagal.
“Leave!” singhal ni Conchita.
“Our child—”
“My child. He or she will never be yours.”
“Please, Conchita—”
Itinulak niya si Dante palabas at agad isinara ang pinto. Napaupo siya sa sahig, humagulhol sa mga palad. Bakit buong buhay niya, hindi siya nakaranas ng pagmamahal mula sa iilang taong gusto niyang magmahal sa kanya? Hindi ba at normal lang naman na maghanap ng pagmamahal mula sa lalaking tulad ni Dante, ang lalaking nagsabing mahal siya at mamahalin habang-buhay? Sa kanyang sariling lola na nag-alaga sa kanya at nagpalaki? Sa kanyang ina na matapos siyang iluwal ay kinalimutan na?
Why was she so hard to love?
Nang mga sandaling iyon, nangako si Conchita sa sarili na kailanman, hindi mararanasan ng kanyang anak ang lahat ng naranasan niya. The child in her womb would always feel loved by her. She new exactly how to be a good mother—and that’s by not following the steps of her own mother and grandmother.
Nagpunta siya sa kuwarto at hinagilap ang kanyang bank passbook. Tiningnan niya kung magkano ang laman ng kanyang account at mabilis na nagkuwenta. Hindi iyon aabot ng isang taon matapos niyang manganak. Kailangan niyang makapaghanap ng trabaho. Pero paano niya gagawin iyon ngayong buntis siya at ni hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral? Hindi magiging sapat ang mga trabahong makukuha niya. Conchita guessed she could always go back to the farm and help her grandmother manage it. Hindi pa man, suko na siya. Kailanman, hindi sila nagkasundong maglola. Hindi sa nagtatalo sila madalas, kundi talagang malamig ang matanda. Lumaki siyang mulat sa katotohanan na may kulang sa mundo ng kanyang lola. She barely spoke a word and whenever she did, it did not show warmth or love or caring at all.
Hinala ni Conchita, kaya lang siya nito tinanggap para alagaan ay para makuha ang farm. Nakapangalan dito ang farm. Her grandmother never remarried and was always spending time with her friends. Isang dekorasyon o panggulo lang sa buhay nito si Conchita, tulad ng kanyang ina.
Pumanaw ang kanyang ama noong tatlong taong gulang siya. Nagpunta sa Amerika ang kanyang ina at nagtrabaho bilang nurse. Wala pang isang taon, nag-resign na ito nang mapangasawa ang isa sa mga naging pasyente ng ospital. The man was old and dying. He died after five months, leaving her mother a few million dollars. Umuwi sa Pilipinas ang kanyang ina at bumili ng lupa—ang lupa kung saan siya nakatira, ang farm ng kanyang lola.
Muling bumalik sa Amerika ang ina ni Conchita. Walang masyadong alaala rito si Conchita, maliban sa mga sulat at ilang pictures na lahat ay nakatago pa rin. Wala siyang makuhang impormasyon sa lola niya, maliban sa maayos daw ang lagay ng kanyang ina. The next time she saw her mother was when she was thirteen. Isinama nito ang bagong boyfriend sa Pilipinas. Noon lang niya nalaman na ikatlo na pala nitong mapapangasawa ang lalaki, na nagkaroon ito ng isang asawang hindi niya nakilala.
Her mother married the man and divorced him as well after five years. Ang sabi ng kanyang ina, kinamkam ng lalaki ang lahat ng perang namana nito mula sa unang Amerikanong asawa. Ilang taon na ni hindi siya nakatanggap ng sulat mula sa ina at sinasabi ng kanyang lola na aligaga lang ang kanyang ina dahil walang pera. Hindi maintindihan ni Conchita kung bakit ayaw na lang nitong umuwi dahil malaki naman ang kita ng farm. After a year, her mother got married again. Hindi mayaman ang napangasawa nito, pero hindi rin naman mahirap. He was a middle-class man who had one child. Nakilala niya ang lalaki nang isama ng kanyang ina sa Pilipinas.
Conchita’s mother never asked her to live abroad with her. Parang ni hindi siya nito na-miss kahit kailan. Time went by and she never fully learned to accept that her own mother did not want to spend time with her. Ni wala siyang ideya kung anong klase ang naging relasyon nito sa kanyang ama dahil limitado rin ang kuwento ng kanyang lola dahil hindi magkakasama ang mga ito noon. All her grandmother said was that her father was a good man, a loyal soldier who died in battle.
Ang picture ng kanyang ama ang naging inspirasyon ni Conchita kahit palaging parang kulang ang kanyang buhay, parang may mga puwang na ayaw punan ng mga mahal niya sa buhay na hindi siya mahal. Sa isang banda, naroon ang kanyang ina na walang pakialam sa kanya; sa kabila naman ay naroon ang kanyang lola na parang nandoon lang para bigyan siya ng baon.
Natuto siyang bumarkada noong college, ang dahilan kung bakit kahit twenty-two na, hindi pa rin siya tapos sa pag-aaral. It was a few months ago when she met Dante Cardinal, a man so much older than her. Nakita niya kay Dante ang pagmamahal na hindi nakita sa ina at lola. He showered her with love and made her think that she had value as a human being. Na hindi siya isang obligasyong pinagpapasahan lang…
Until today.
Ang sakit-sakit ng kanyang dibdib, pero kasabay niyon ay isang matinding determinasyon. Isang klase ng determinasyon na noon lang niya naramdaman.
Tinawagan ni Conchita ang ina—ang isa sa madalang niyang pagtawag dito dahil tumatawag lang siya kapag Pasko o birthday nito. Parang may-pagkamasokista siya dahil kahit damang-damang istorbo lang siya sa ina ay gusto pa rin itong mapasaya. Pero ngayon, wala na siyang pakialam kung maistorbo ito o mainis sa kanya. The woman was a parent to her, for God’s sake, and a parent had responsibilities more than sending its child money or signed greeting cards without any personal message at all.
“Hello?” sagot nito.
“Mama, si Con ito.”
“Nagpadala na ako ng pera kanina. It will reach you in a day or two.”
Hindi na nasaktan si Conchita sa sinabi ng ina. Kahit kailan, hindi siya tumawag dito para sa pera, pero palaging iyon ang sinasabi nito. “I need more than money from you.”
“What do you need then?”
“I need to go there. I need to work there. I’m pregnant.”
“What are you talking about?” Mukhang mainit agad ang ulo ng ina ni Conchita. Ni hindi man lang ito nagpabalat-bungang itanong ang personal niyang kalagayan bago sinabi, “Nasaan ang ama ng bata? I will not be responsible for the child!”
“He’s gone. I want a good future for my baby.”
“Hindi mo pa kayang bumuhay ng anak. Wala kang papasukang trabaho dito—”
“Maniningil ako sa ilang taong utang mo bilang magulang. Tulungan mo ako dahil kailangan ko ng tulong para makarating diyan. Kapag nakarating ako diyan, kailangan ko ng trabaho.”
“Hindi madaling mag-ayos ng papeles dito!”
“Then find me a husband, I don’t give a damn! I just need to get out of this hellhole you put me in because you refused to take responsibility. Kung ayaw mong ipakargo ko sa `yo ang anak ko, gawan mo ng paraan para makatayo ako sa sarili kong mga paa.”
“Why, you ungrateful brat!”