
Precious Pages · Ongoing · 25 Chapters
He turned her from a tiny spark into the flame… with just a kiss. Alexandra was an orphan, who needed to seek justice. She had to know who took her mother’s life. When she met Connor, a con artist, for whatever reasontheir paths always converged through employment contracts. Until they found themselves in the hands of a mob leader, who forced them to get married in Vegas. Despite the fact Alexandra knew the marriage was fake… she couldn't help but give him her heart...
N ANLATA si Alexandra pagkaparadang-pagkaparada sa tabing-kalsada ng nirentahang sasakyan. Nakita niya ang mahabang pila papasok sa Sphere, isang dance club sa Manhattan. May mga bouncer sa pintuan ng club, isang itim at isang puti, parehong malalaki ang katawan. May hawak na clipboard ang isa, kung saan naroon ang listahan ng pangalan ng mga taong puwedeng pumasok sa loob. It was a very exclusive club. Only the hippest celebrities and millionaires can get inside. Alexandra had to get inside. She needed to be inside that club.
Isang emerald na dress ang kanyang suot. She was fully made up. Tiningnan niya sa Internet ang dress code ng Sphere at ibinagay roon ang susuotin. Hindi lang niya inakalang ganoon karami ang tao sa gabing iyon, araw ng Martes. Inasahan niyang hindi man siya nakapagpa-reserve online, dahil closed na ang reservation, magagawa pa ring makapasok dahil ilang na araw. Who the hell partied on a Tuesday night anyway? Ah, of course, the elite.
Hindi muna bumaba ng sasakyan si Alexandra at patuloy na tumingin. She observed everything about the place. May natanawan siyang isang pamilyar na celebrity, kasama ang isang buong entourage. Grammy award winner ang babaeng iyon, Chelsea Gibbons ang pangalan, sa pagkakatanda ni Alexandra. Agad na nakapasok ang grupo ng singer. Mabilis tinantiya ni Alexandra kung ilang tao ang nakapila at naisip na hindi puwedeng pumuwesto siya sa likuran ng pila. She would be fortieth if she joined the long cue. Baka madaling-araw na, hindi pa siya nakakapasok sa loob ng Sphere. And damn the place! What was so special about it, anyway?
Tumingin siya sa relo. Alas-diyes y medya ng gabi. Alas-onse ang usapan nila ng kakatagpuin sa loob. Kung bakit doon pa, sa lahat ng lugar, hindi niya alam at walang balak na alamin sa ngayon. Kung gusto niyang magawa ang trabaho, kailangan niyang gumawa ng paraan.
Inilabas ni Alexandra ang phone at nag-double check ng impormasyon tungkol kay Chelsea Gibbons.
Imbes na bumaba ng sasakyan, pinasibad niya iyon papunta sa isang malapit na drugstore. Tuloy-tuloy siya sa aisle kung saan makikita ang mga over the counter pills. Kumuha siya ng isang bote ng aspirin at binayaran na iyon sa cashier. Paglabas ng drugstore, tumuloy siya sa basurahan at itinapon ang kalahating laman ng bote. Inilagay niya ang plastic na lalagyan sa bag, saka bumalik sa club. Pumarada siya malayo-layo roon, saka tumawid at naglakad papunta sa Sphere, nakatapat sa tainga ang cell phone. Umakto siyang abala sa pakikinig hanggang sa makarating sa dalawang bouncer.
“Yes, Chelsea, I’m outside,” sabi niya sa phone. “Yes, I’ll be right there. Yes, I bought them. All right, I’m coming.” Bumuga siya ng hangin, sabay off sa cell phone. Hinarap niya ang bouncer. “Chelsea G’s company.”
Ngumiti ang bouncer na puti, mukhang hindi naniniwala sa kanya. God, why did she expect them to believe her? Ilang tao na ba ang nakaisip gawin ang ganoon sa mga ito?
“I do believe Chelsea said she’s not expecting anyone else,” sabi ng bouncer.
“All right then, tell Chelsea I’m going home with her happy pills.” Inilabas niya ang medicine bottle.
Itinaas ng lalaking puti ang kamay sa tainga, diniinan ng daliri ang earpiece. “Someone’s here for Chelsea. Is she expecting anyone?” Nakatingin kay Alexandra ang bouncer habang hinihintay ang sagot ng kung sinong kausap mula sa loob.
Pinagpawisan nang malamig si Alexandra. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Kung ganoon pa lang kasimpleng bagay, hindi na niya mapagtagumpayan, paano pa ang binabalak niyang trabaho? Isang trabahong makukuha lang sa loob ng lintik na club. Maybe this was a test. Isang pagsubok kung kaya niyang pumasok sa ganoong klase ng lugar nang walang reservation.
Mayamaya, may isang babaeng lumabas, isa sa mga nakita ni Alexandra na kasama ni Chelsea base sa suot nitong makintab at gold jumpsuit. Kitang-kita iyon kanina mula sa kanyang kotse.
“Who sent you?” tanong ng babae.
“Daddy Blimp,” walang pag-aalinlangang sagot ni Alexandra. Kasama sa nabasa niya sa Internet kanina ang maiksing tsismis tungkol sa nakaraang issue ni Chelsea. Mabilis niyang matandaan ang mga pangalan at impormasyong nababasa. Her mother taught her well.
Ngumiti ang babaeng ginintuan ang suot. “That is my favorite daddy. Come on in, girl. Come.” Hinawakan nito ang kanyang braso at hinatak siya papasok. Sa loob, binulungan siya nito. “Can you hook me up, sister? Tell Daddy Little Rowanda ain’t playing him again. Just one, sister. One little pill. I just need a buzz so bad.”
Madaling makita ni Alexandra base sa liwanag na tumatama sa kanila na dilated ang pupils ng babae. She already was high. “All right,” sabi niya, saka pasimpleng inabutan ito ng tableta. “You owe me one, you hear?”
“Oh, baby girl, I do. Thanks.” Pasimple nitong isinubo ang tabletang inaakalang droga. “Let’s give Chelsea her happy pills.”
“You go ahead. I will just powder my nose… very quickly.” Nilagyan niya ng emphasis ang sinabi para isipin nitong kailangan niyang gumamit saglit.
Ngumiti ang babae. “A girl’s got to do what a girl’s got to do. The crew is over there, sister. Make it quick.”
Tumango siya at humalo na sa mga taong nagsasayawan. Imbes na tumuloy sa banyo, hinanap ni Alexandra ang kakatagpuing tao. Naupo siya sa bar saglit at mayamaya, may lumapit na lalaki sa kanya. Their eyes met. Those were the darkest eyes she had ever seen. Seryosong-seryoso ang mga iyon, hanggang sa ngumiti ang lalaki. His teeth were perfect.
“I wonder where she gets the pretty ones who can’t do crap. But good luck to you, doll,” bulong nito, saka tumalikod.
Bigla siyang kinabahan. Hindi ba ito nasiyahan sa nakita sa kanya? Inisip ba nitong isa siya sa mga “pretty ones who can’t do crap”?
Hahabulin sana ni Alexandra ang lalaki, pero nang tumayo, naramdaman niyang mas mabigat na ang kanyang purse. The man was quick and smooth. Wala siyang kahit na anong naramdaman nang ilagay nito ang kung anuman iyong nasa purse na niya ngayon.
Mabilis niyang hinanap ang back exit at umalis na. Pagsakay sa kotse, agad niya iyong pinaandar. Binuksan niya ang bag at inilabas ang item na inilagay roon ng lalaki.
A phone.
Nanginginig ang kamay na binuksan iyon ni Alexandra. Ang lahat ng kailangan niyang malaman, nasa loob ng cell phone. Habang lumalalim ang impormasyong nalalaman tungkol sa gagawin, palakas nang palakas ang kanyang kaba. She was sinking in oblivion so fast she could not breathe.
SHE COULD still back out, Alexandra thought. Tumingin siya sa relo. May thirty minutes pa siya para magbago ng isip. Thirty minutes. Then she could go back to her life before all this happened. Siguradong hindi mamasamain ni Mamie Francine. Mamie Francine was a French woman in her mid-fifties. She preferred to be called “Mamie Francine.” “Mamie” was a French nickname for grandmother. Walang ideya si Alexandra kung lola na si Mamie Francine; wala siyang kahit na anong alam tungkol sa pamilya ng babae. Ang tanging alam niya, kaibigan ito ng kanyang ina—ang tanging kaibigan ng kanyang ina—at siyang nilalapitan niya sa oras ng pangangailangan. Walang pag-aalinlangan si Mamie Francine na bigyan siya ng trabaho. At ito ang trabahong iyon.
Ngayon, gustong magsisi ni Alexandra kung bakit hindi niya tinanggap ang alok ni Mamie Francine para sa isang training, pagtuklas sa mga makabagong kagamitang nilikha para sa mga tulad niya. Tulad niya. No. She was not going to be like Mamie Francine. This was a one-time job. Hindi na mauulit ang lahat ng iyon kaya bakit niya kailangang mag-training para sa miminsang trabaho? Besides, it was not as if she did not know what to do. This was her life. This was her career. Hindi ang pagpasok sa mga mansiyon na may matinding security, kundi ang pagtuklas sa kahinaan ng mga alarm system. She worked for TAG or Treint Arms Group, an IT security consulting firm specializing in assessment and penetration testing. It was her passion.
Hindi lang kailanman naisip ni Alexandra na gagawin niya ang trabaho ng mga taong kung tutuusin ay siyang bumubuhay sa TAG. If there were no career burglars, TAG would never have existed. Kabilang si Alexandra sa team ng mga IT expert. Computer programming was her world. Sa mga taong hindi nakakaintindi niyon, wala sigurong ideya kung gaano kakulay ang mundo ng programmers. May sense of accomplishment si Alexandra sa trabaho.
Kahit noong bata, may pagkauhaw na siya sa paglikha, sa pagbuo, sa paglutas ng mga puzzle. TAG supplied her need for it and paid her well. Ilang Fortune 1000 companies ang kliyente nila, ilang mga taong sa Forbes lang kadalasang nababasa ang pangalan ang kanilang sinerbisyuhan. These companies and people required unbreakable and infallible security. Doon pumapasok si Alexandra, kasama ang isang malaking team na ang tanging ginagawa ay ang wasakin ang mga security system, alamin ang kahinaan niyon, subukan kung sapat na iyon sa pangangailangan ng kliyente.
Oh, how she loved her job. It didn’t feel like a job at all. Para pa rin siyang bata na naglalaro, para pa ring isang estudyanteng may assignment na kailangang lutasin, may butas sa program na dapat tapalan. How her mother beamed when she told her she had been promoted. Anim na buwan mula nang makapasok sa TAG nang ma-promote si Alexandra. That was four years ago. She was twenty-three at the time.
Lahat halos ng bagay sa TAG, hinahanap-hanap na niya. Ilang buwan na rin mula nang mag-resign siya. Mula sa Amerika, kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas. At kailanman, hindi niya naisip na uuwi siya sa bansang naging tahanan sa loob ng ilang taon, aabutan ang ina na wala nang buhay.
May nadamang kirot sa puso si Alexandra. Siguro hindi na kailanman magbabago ang nararamdaman niya tuwing maaalala ang ina. Her mother’s death changed her life and although she still planned on returning to TAG, she had a feeling her life would never be the same again. Ever.
Iba’t ibang imahen ng kanyang ina na duguan at dilat ang mga mata ang dumaan sa kanyang isip. And then an image of Preston flashed in her mind—tall, handsome, with a smile that made the day perfect.
But not even Preston’s smile could make this day perfect. Or any day, for that matter. Her mother was gone. Murdered. The world would never be perfect again.
Humigpit ang kapit ni Alexandra sa strap ng backpack. Damn, it was heavy. Heavier than what was ideal. Muli, gusto niyang magsisi na hindi tinanggap ang tulong ni Mamie Francine. Siguro mas high tech na gamit sana ang nadala niya, mas madaling dalhin para sa ganoong klaseng misyon. Para siyang magha-hiking sa laki ng backpack na dala. She was even wearing the same gear she wore the last time she and Preston went to Nepal to take one of those easy trails up Everest.
It was blood curdling cold. Her blood felt so thick. She had a feeling it wasn’t only the weather that made it that way. Pilit niyang inilagay ang isip sa gagawin at patuloy na naglakad sa gitna ng mga nagtataasang puno papunta sa destinasyon. Sinipat niya ang GPS na dala. She was a few meters away from the Swiss villa of Doctor Anatoly Bolotnikov, a Russian-born chemist currently fighting an extradition case. Nasa Switzerland ito at nagpapasarap sa buhay habang ang mga bigating abogado ay nakikipag-argumento para dito nang hindi maibalik sa Amerika ang lalaki sa salang rape. Isang kinse anyos na lalaki ang ni-rape ni Bolotnikov. Bago pa mahuli, nagawa nang makalipad sa Switzerland. Ilang taon na itong naroon at ni hindi ginawang magtago. Ah, the things money can buy. Sa kabila ng kaso at kontrobersiya, isa pa ring tinitingalang tao ang doktor; dahil ganoon na ang mundo ngayon—isa ka mang napakasamang tao, basta may kontribusyon ka sa mundo, marami ang hindi magbibitiw ng suporta sa iyo. Alexandra would be glad to spit on Bolotnikov’s face for his victim, but she must not reveal her face, of course, nor give away a DNA sample.
Hindi man niya magagawa ang mas gustong gawin sa doktor, hindi naman siguro masyadong mamasamain ng lalaki kung kukunin niya ang mga alahas ng asawa nitong nanatili ang suporta sa isang rapist. Bolotnikov purchased an estate for his wife when the whole world found out he raped the kid. Sa panahon ngayon, nabibili na rin ang dignidad. Medyo may kamahalan nga lang ang dignidad ng asawa ni Bolotnikov dahil bukod sa estate, ibinili rin ito ng mga alahas ng lalaki. Alexandra couldn’t steal the estate but she could steal the jewelry.
Lahat ng impormasyon para sa heist na iyon ang nasa loob ng phone na ibinigay sa kanya ng lalaking nakilala ilang araw na ang nakakaraan sa Sphere. Ni hindi niya alam ang pangalan ng lalaki, pero matatandaan niya ito kahit saan pa sila magkita uli. Those eyes. And the way he insulted her. Hindi siya kilala ng lalaki, pero isang tingin pa lang, sinukat na siya—na hindi siya magiging mahusay sa trabaho. Well, it just so happened that she did not like being underestimated. Siguro, iyon ang kanyang kahinaan. She had always been underestimated because of her height. She was petite at five-two. Sa Pilipinas siguro hindi siya magiging maliit, pero dahil sa Amerika siya nagtatrabaho, petite siya. She was a mix of Asian and white.
Mabilis na ang kabog ng dibdib ni Alexandra. Parang sasabog ang kanyang puso sa matinding kaba. Mas mabilis na ngayon ang pagdaan ng mga eksena sa kanyang isip—ang selda, ang kanyang ina, si Preston. God, Preston. Kung mahuhuli siya, paano pa siya nito pakakasalan gayong konserbatibo ang mga magulang ng lalaki?
I will not get caught. I need to do this for Mama.
Sinundan ni Alexandra ang direksiyong itinuturo ng GPS at mayamaya, natanaw na ang villa. It was huge. Mula sa likuran niyong may mataas na bakod, matatanaw pa rin ang mansiyon sa loob. Alam niyang may limang guwardiyang bantay na rumoronda at dalawang guwardiya sa mismong gate ng villa, pero walang tao sa loob ng mansiyon. Kasalukuyang may ka-business deal si Bolotnikov at kasama nito ang asawa. Sa isang araw pa uuwi ang dalawa. Alam din ni Alexandra na kapag wala ang mag-asawa sa bahay, pinapatuloy ang mga kasambahay sa isang maliit na tirahan sa tabi ng mansiyon. Ang tanging proteksiyon ng bahay ay isang makabagong alarm system. Alexandra knew the make of the system. She had tried to bypass it only a few months ago. Lahat ng impormasyon tungkol kay Bolitnokov nalaman niya mula kay Mamie Francine na sa palagay niya ay kumontak sa lalaking nagbigay sa kanya ng phone. That man was probably a contractor for career burglars.
The man provided her with the villa’s blueprint and other details through the phone. Hindi na nagtanong si Alexandra kay Mamie Francine kung paano nito nakilala ang isang tulad ng lalaking may maiitim na mata dahil ayaw niyang mabaon sa kaalamang hindi nararapat para sa kanya.