
Precious Pages · Ongoing · 10 Chapters
"When I saw you again, that was when I knew that I wasn't healing myself the right way. Because of every woman who became my girlfriend, I'm looking for a part of you."
Chapter 1
1
“
S
o, what’s new at the Club?” Inilipat ni Eneru ang cellphone sa kabilang tenga habang nakatutok lang ang mga mata sa kalsadang dinaraanan ng sasakyan niya. “Ilang linggo rin akong naburo sa Las Vegas. Nami-miss ko na nga si Mirage.” Iyon ang kanyang most-prized Arabian stallion horse.
Papasok na sila ni Trigger, ang kausap niya sa cellphone at nasa kabilang sasakyan, sa private road na sakop ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club kung saan pareho silang exclusive member. Kaya naman okay lang na makapag-usap na sila ngayon sa cellphone habang nagmamaneho.
“Have you heard the news? Jubei got married.”
“Really? Kung gano’n, natuloy na rin pala sila sa simbahan ni Rumina. You know, I never really thought they would end up together. I mean, Jubei’s kind of boring. He needs someone with a lot of attitude—”
“Hindi si Rumina ang pinakasalan niya. Someone else. Her name is Temarrie. And I’m telling you, that girl has so much attitude in her. Kaya siguro hindi na nakaporma pa si Jubei sa kanya.”
“Hah. Well, what do you know?” Natural lang na mabigla siya. Ever since Jubei joined the club, si Rumina lang ang tanging babaeng binigyan nito ng pansin. “Mabuti naman at ginagamit din ni Jubei ang puso niya at hindi lang laging isip. I can’t wait to meet his wife.”
“Huwag na. Baka magaya ka lang kay Neiji. Muntik na silang magpang-abot doon sa club no’ng kelan lang dahil pinagselosan siya ni Jubei.”
“Kailan pa naging possessive ang isang iyon?”
“Mula nang mag-asawa siya.”
Napangisi si Eneru. “Mukhang interesting nga ang babaeng napangasawa niya para magselos nang ganyan ang isang iyon.”
“Kung ganyan ka kainteresado, why not get yourself married, Eneru?”
“Trigger, wala pa sa bokabularyo ko iyan.”
“Ganyan din ang sinabi noon ni Jubei.”
“Hindi ako si Jubei.” Tiningnan niya ang kabilang panig ng kotse kung saan naroon ang kausap sa cellphone. Just like him, his friend had his car hood down. Nakangisi na ito habang hawak din sa tenga ang cellphone. “Ikaw, pare, baka may balak ka na, sabihin mo lang. Huwag ka nang mahiya.
t
utal, tayong dalawa lang naman ang makakaalam.”
“Yeah, right. Kung meron mang pinakatsismosong mga tao sa mundo, wala nang tatalo pa sa mga tao roon sa club.”
“Kasama ka na do’n.”
“Masama ang magbintang, pare. Hindi ka matutunawan.”
“Hindi pa naman ako kumakain. Ikaw ang mag-ingat. Baka mausog kita.”
“Hindi ako naniniwala diyan.” Narinig ni Eneru ang kaibigan na tumawa lang sa kabilang linya. “Mukhang masaya yata ang araw mo ngayon, Trigger. Anong meron?”
“Lagi naman akong masaya.”
“Pero madalang kang tumawa. Something tells me na may balak ka na ring sumunod sa mga yapak ni Jub
ei.”
“Wala pa sa isip ko iyan, `tol. May gatas pa ako sa labi.”
“Ow? Kaninong gatas naman kaya galing iyan?”
“Sekreto.”
Sabay silang napatingala ni Trigger nang daanan sila ng isang helicopter. Kilala nila ang piloto niyon. Ang isa pang riding club member na si Neiji Villaraza. Sumilip ito sa gilid ng chopper at ilang sandali pa ay narinig na nila ang isang tinig mula roon.
“So long, suckers!” Sumaludo pa ito sa kanila bago tuluyang nauna sa kanila.
Napailing na lang si Eneru. “Si Neiji talaga. Wala nang ginawa kundi magpasikat. Mukhang may balak pa siyang makipagkarera sa atin ngayon.”
“Well, I wouldn’t want to lose to him even if this wasn’t a horse race.”
Nagkatinginan sila ni Trigger. Mukhang pareho sila ng iniisip kaya inihagis ni Eneru sa passenger seat ang cellphone, saka tinapakan ang silinyador ng sasakyan. Humarurot na siyang palayo. Hindi rin naman nagpahuli si Trigger. Though he wasn’t going to let anyone beat him at any game.
Ilang sandali pa ay sinisilip na lang niya sa rearview mirror ang nguso ng BMW convertible ni Trigger. Nauna na siya pero wala siyang balak na ibaba ang bilis ng takbo ng sasakyan. Napangisi siya, saka inayos ang suot na sunglasses. May-kalayuan ang helipad na bababaan ni Neiji sa pinakagusali ng club. Iyon ay para hindi mabulahaw ang mga kabayong sensitibo sa ingay. Ibig sabihin, kung walang magiging aberya, mauunahan pa rin niya ang kaibigang iyon sa club.
Nakikini-kinita na ni Eneru ang mukha ni Neiji oras na maunahan niya ito.
p
ero sa huling liko niya sa entrance road ng club proper ay may hindi inaasahang pangyayari. Isang babae ang tila may kung anong dinadampot sa daan ang muntik na niyang mabangga kung hindi lang naging mabilis ang kan
yang mga mata at mga kamay. Naikabig niya ang manibela paiwas sa babae, saka mariing tinapakan ang preno. Sumagitsit ang mga gulong ng kanyang Ferrari Spider. Sulit talaga ang ilang milyong ginastos niya sa pagbili ng kotseng iyon. Dahil kung ordinaryong sasakyan lang iyon,
siguradong tumaob na siya o kaya naman ay humagis na nang kung ilang kilometro. He was safe but his heart was racing.
Nilingon niya ang babae. Nakatayo lang ito sa gilid ng kalsada habang mukhang nagtataka pang nakamasid sa kanya. She was brushing back her long hair that was being blown across her face by the strong, cold Tagaytay wind with her fingers.
IMINULAT ni Jhunnica ang isang mata nang kalampagin siya ng ingay ng alarm clock. Kalagitnaan na ng buwan ng Nobyembre, napakalamig na ng klima at hindi pa rin sumisikat ang araw kahit na nga alas-sais na ng umaga. Namaluktot lang siya sa kama at ibinalot nang husto sa katawan ang kumot.
“Five minutes…” bulong niya, saka muling ipinikit ang mga mata.
She really hated going to work. Kung hindi nga lang siya nanghihinayang sa suweldo, hinding-hindi na talaga siya papasok. Kung bakit naman kasi kailangan pa ng mga tao na magtrabaho? Minsan tuloy, naisip niyang sana ay bumalik na lang siya sa pag-aaral gaya noon. Nang wala siyang pinoproblema kundi assignments, projects at reports. Pensiyonada siya, kumbaga. Noon, lagi niyang ipinagdarasal na sana ay maka-graduate na siya para makapagtrabaho na siya. Ngayong natupad na ang mga pangarap niya, gusto na niyang magreklamo. Ang kaso, walang graduation kapag nagtrabaho na. Tapos na nga naman kasi ang obligasyon sa kanya ng mga magulang na pag-aralin siya. Ngayon, siya naman ang kailangang magpakahirap para alagaan at bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Hay, ang buhay nga naman.
“Ate Jhun! Gumising ka na raw! Tanghali na! Hoy!”
Mabilis siyang napaupo sa pagkagulat. Nang makita ang teenager na kapatid na si Jonard na binubutingting ang mga nasa ibabaw ng nightstand, binato niya ito ng unan at saka muling humiga.
“Lumabas ka ng kuwarto ko, bata. Kung ayaw mong masaktan.”
“Ang sabi ni Nanay, huwag daw akong aalis dito hangga’t hindi ko nasisigurong hindi ka pa bumabangon.”
“Bumangon na ako.”
“Eh, bakit nakahiga ka pa rin diyan?”
“Ito ang version ko ng pagbangon, `no?” Muling ibinalot ni Jhunnica sa kumot ang sarili. “Lumabas ka, kung hindi mamasamain ka talaga sa akin.”
“Bad trip talaga kayo ni Nanay, Ate. Lagi na lang ninyo akong iniipit.”
“Isa…”
“Ang hirap mo talagang gisingin. Bahala ka na nga diyan. Ikaw naman ang male-late sa trabaho mo at hindi ako. Oo nga pala, `Te. Kailangan ko ng five hundred next week.”
Doon na siya tuluyang bumangon. “At ano’ng gagawin mo sa five hundred?”
“Allowance ko. Tumaas na ang gasolina ngayon at—”
“At ano ang ginagawa ng mga pedicab drivers sa gasolina? Iniinom?” Pedicab lang kasi ang sinasakyan ni Jonard patungong paaralan na malapit lang din naman sa kanila. Naghikab si Jhunnica at muli itong binato ng unan. “Lumabas ka na at gising na ako.”
“`Yong five hundred ko—”
“Oo na, oo na.”
Paglabas ng kapatid ay muli siyang bumalik sa kama. “Five more min—”
“Ate!”
“Oo na sabi, eh! Gising na ako!”
“Puro ka five more minutes. Gusto mo na ba talagang ma-late nang tuluyan?”
“Huwag mo akong sermunan diyan dahil kahit kailan ay hindi pa ako na-late sa trabaho ko. At mas matanda ako sa iyo kaya huwag mo akong hihiritan ng ganyan.”
“Ang kulit mo kasi—”
“Oo na po. Lumabas ka na po.”
Sa kabila ng nag-aagiw pang utak, pinilit na rin ni Jhunnica ang sarili na kumilos. Bitbit ang tuwalya ay nagtungo siya sa banyo. Naupo siya sa toilet bowl habang hinihintay na mapuno ng tubig ang balde. Nangalumbaba siya at ipinikit ang mga mata.
“Five minutes— ah, letse!” Sumandok siya ng tubig gamit ang tabo at ibinuhos sa kanyang mukha. “Ah! Letse talaga!”
Halos mawalan ng ulirat si Jhunnica sa sobrang lamig ng tubig. Anak ng teteng! Dahil sa antok ay nakalimutan niyang magpainit ng tubig para mapatay sana ang lamig ng tubig. Ginagawa niya iyon mula nang mag-umpisa nang lumamig ang panahon. Gayumpaman, nakatulong naman sa kanya ang malamig na tubig upang tuluyang magising.
Sinunod-sunod na niya ang pagbubuhos ng tubig na halos hindi na siya humihinga pa para lang matapos na ang kalbaryo niya sa tubig. Nataranta pa siya nang dumulas ang bote ng shampoo nang damputin niya iyon.
“Hoy, Stallion, halika dito!” Stallion ang bagong brand ng shampoo niya ngayon. Maganda kasi ang commercial kaya sinubukan niya. Nainggit kasi siya sa magandang buhok ng model kaya nag-iilusyon din siya ngayon na magkaroon ng ganoong buhok.
Sa loob lang ng fifteen minutes, tapos na siyang maligo.
“Hola!” hiyaw niya paglabas na paglabas ng banyo.
Mabilis siyang nagbihis para mabawasan na ang pangangatog ng kanyang katawan. Kahit naman paano ay nakatulong ang pagligo na magising nang tuluyan ang buong sistema niya.
“O, mabuti naman at natapos ka na rin sa five-minute ritual mo.” Inilapag ng kanyang ina ang isang bandehado ng mainit na kanin sa mesa. “Bilisan mo na ang pagkain at baka ma-late ka na sa trabaho mo. Baka mamaya kung ano na ang masabi sa iyo ng supervisor mo. Kabago-bago mo pa lang doon, baka kung ano ang isipin nila sa iyo kapag nahuli ka sa trabaho.”
“Hindi na ako bago do’n, `Nay.” Sumandok ng kanin si Jhunnica sa plato, dalawang hot dog, pritong itlog at dalawang piraso ng malalaking pandesal. “Tatlong buwan na ako sa kanila.”
“Bago pa rin iyon.” Napansin niyang napakunot ang noo nito. “Hindi mo ba babawasan man lang iyang kinakain mo, Jhunnica? Baka tumaba ka na niyan.”
“Malakas ang metabolism ng katawan ko, `Nay. At tsaka, matatagtag naman ito sa trabaho ko mamaya. Kaya okay lang iyan.”
“Kunsabagay. Pero konting hinay pa rin sa pagkain at baka hindi na magkasya iyang uniporme mo sa iyo.”
“Okay lang iyan, `Nay. Hindi ako tataba.”
“O, siya. Basta bilisan mo na riyan.”
PAKIRAMDAM ni Jhunnica ay inaalat siya nang araw na iyon. Naiwan na siya ng service coaster bus na naghahatid at nagsusundo sa kanilang mga kapwa niya empleyado ng Stallion Riding Club, isang exclusive Club ng mga mayamang mahilig sa kabayo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Doon, sa isang restaurant siya nagtatrabaho bilang waitress.
“Hay, `di bale na nga,” alo niya sa sarili habang naglalakad sa deserted na kalsada na sakop ng malawak na lupain ng club. “Exercise din ito.”
Okay lang. Maaga pa naman. Sumakay ng tricycle kanina si Jhunnica at nagpahatid sa Stallion Riding Club pero hanggang sa entrance lang siya ng pinaka-complex ng lugar. May isa pang entrance na madadaanan papasok mismo sa club at doon siya puwedeng maghintay ng coaster na dadaan. Hindi lang naman kasi ang lugar nila ang may sundo. Meron pa sa ibang lugar kung saan concentrated ang karamihan sa mga empleyado ng club. Pero bago siya makarating sa second club entrance gate, kakailanganin niyang maglakad sa deserted at private road na iyon. At doon siya nahirapan. Pasakit ang akyat-baba na terrain ng kalsada, palibhasa nasa mataas at mabundok na bahagi ng Tagaytay ang lugar. Nakatakong pa naman siya. Mabuti na lang at malakas at malamig ang hangin kaya hindi siya pinagpapawisan
“Pero masakit na talaga ang mga paa ko. Hay…” May narinig siyang munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga. “Ay, ano ba iyan?”
Bumigay na pala ang butones ng suot niyang palda dahil sa naghuhumiyaw niyang tiyan. Natawa siya sa sarili. Mukhang tama ang nanay niya na kailangan na niyang magbawas sa pagkain. She bent over to pick up her wayward button when she heard a loud, screeching sound. Nagtaka pa siya nang makita ang isang galit na galit na lalaki nang lumabas ito ng sasakyan. The guy walked towards her after he banged his car’s door shut. Hindi magawang kumurap man lang ni Jhunnica habang pinagmamasdan ang lalaking palapit.
Marami siyang nakikitang guwapo sa club since it was an exclusive riding club for wealthy men.
Pero
dalawang beses pa lang niyang nakikita roon ang lalaki, at sa mga pagkakataong iyon ay laging nasa malayo lang ito. Pero ngayon, habang palapit ito, batid niyang isa na ito sa mga pinakamagandang lalaking nilalang ng Diyos sa mundo. He was wearing a gray coat jacket over a plain white shirt whose sleeves were peeking out of his coat’s sleeves, and faded jeans. Casual and yet elegant. May-kahabaan ang alon-alon nitong buhok. Nakasuot ito ng sunglasses p
ero
hinding-hindi pa rin matatawaran ang kaguwapuhan.
“Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?” angil ng lalaki paglapit sa kanya. “Hindi pasyalan ang lugar na ito!”
Nagtalsikan yata ang mga tutuli niya sa sigaw nito. “Teka lang ho. Hindi naman ho ako namamasyal—”
“Then what the hell are you doing here? Alam mo bang muntik na akong madisgrasya nang dahil sa iyo? You could have killed us both because of your stupidity!”
Stupidity? Aba, sumusobra naman ang isang ito, ah! Kinalimutan na niya ang mga napag-aralan niyang paggalang sa ibang tao dahil sa pagsigaw-sigaw ng lalaki sa kanya.
“Ano ba ang ginawa ko sa iyo?”
“Nagpapakalat-kalat ka…” Halatang natigilan ito habang nakatitig sa kanya.
At nang tanggalin ng lalaki ang suot na sunglasses, parang siya man ay gustong mapatanga na lang dito. Dahil kung guwapo na ito na suot ang salaming de-kulay, lalo na nang hubarin nito iyon. Daig pa niya ang nakakita ng artista, o kahit modelo pa nga. Ang sarap-sarap nitong pagmasdan. Hindi nakakasawa ang itsura na habang tinitingnan ay lalo pa ngang gumuguwapo sa kanyang paningin.
“Jhunnica Serrano,” sambit ng lalaki. His deep voice had a tinge of sarcasm. “Well, this is a nice surprise. Hindi ko akalaing magkukrus pa ang mga landas natin nang ganito. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.”
“M-magkakilala tayo?” Sa pagkakatanda niya, wala siyang kakilalang ganito kayaman. At lalaki pa.
“Hindi mo na ako natatandaan? You’re really bad for my ego. Muntik na nga akong maaksidente nang dahil sa iyo, hindi mo pa ako matandaan.”
“Eh…” Tinitigan niya ang estranghero at hinalukay ang mga pinakatatago-tago niyang alaala. Pero wala talaga siyang matandaan. Sa itsura nito, imposible namang basta na lang niya ito makalimutan. “Hindi ko talaga kayo maalala, Sir.”
“What a shame.” Lalo yatang naging masama ang dating ng sinabi niya rito. He put his sunglasses back on and brushed his hair away from his face. “Masyado ka talagang malupit, Jhun.”
“Eh… sino ka nga ba talaga—”
Napasinghap si Jhunnica nang bigla na lang siyang yakapin ng lalaki at ilayo sa kalsada. Magwawala na sana siya nang makita ang isa pang sasakyan na lumagpas sa kanila. The driver of the sleek convertible waved at her as he sped away. Narinig niyang tahimik na napamura ang lalaki bago siya muling binalingan. Doon lang marahil nito na-realized na yakap na siya nito kaya mabilis siyang binitiwan.
“Huwag ka na ulit magpapakalat-kalat dito.” Iyon lang at binalikan na ng estranghero ang sasakyan at humarurot na palayo.
Subalit nanatili sa kanya ang amoy ng lalaki. It was the fresh scent of sandalwood and vintage wine. Nakakalasing ang amoy. Pero ang sarap-sarap talaga ng amoy. Iyon bang tipong hahabul-habulin mo ang amoy. At isang tao lang ang alam niyang may ganoong klase ng amoy. Back in high school.
“Eneru Villasis?”
n
akanganga na lang si Jhunnica nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. “Ikaw na iyan?”