Favourite Obsession

Favourite Obsession

Precious Pages · Ongoing · 35 Chapters

...

About this book

Things were normal for Virgo. Until one day, her parents were killed in front of her. For years, she wallowed in misery until she decided to move-on and start working. Virgo became a secretary of Kallean Financial Firm. There, she met Lucien Kallean, the owner of the company. She tried her best to avoid him. Lucien had this dangerous and mysterious aura about him. She knew because of the incessant pounding on her chest whenever she sees him. But the insolent man kissed her and the world seemed to lose all sense.

Prologue

VIRGO

“VIRGO! You listen to me!” malakas ang boses na sabi ng kanyang ama habang naglalakad siya palapit sa pinto ng bahay. “Hindi ka aalis ng bahay. Hindi kita papayagang pumunta sa party na `yon! Hindi ka ba natatakot na baka nasa paligid lang ang stalker na `yon at saktan ka?”

Huminga siya nang malalim. “Daddy, I’m already twenty-one. Magiging okay lang po ako. Saka, hindi naman po totoo na may stalker ako. Nasisiguro kong kung sino man ang nagpadala ng mga stolen pictures ko dito sa bahay, hindi siya isang stalker. Maybe it’s just a prank. You are after all one of the most famous congressmen in the country. Baka gusto lang kayong takutin sa pamamagitan ng mga larawan ko.”

“Larawan mo na natutulog, Virgo.” Bakas ang galit sa mukha ng ama. “Ibig sabihin, nakapasok siya sa kuwarto mo.”

Kinilabutan si Virgo sa sinabi ng ama, pero hindi iyon sapat para hindi um-attend sa birthday ng pinsan niya.

“Baka naman—”

Umiling-iling ito. “Hindi. Sabi ng mga pulis, mag-ingat ka. Virgo, we already talked about this—”

“I’m still going to that party, Dad,” sabi niya. “It’s Lea’s birthday.” Si Lea ay pinsan niya sa ina. “Ayokong isipin niya na hindi ko siya suportado sa kaarawan niya.”

Her father sighed. “Anak naman, eh. Listen to me. Puwede mo namang puntahan bukas ang pinsan mo. Ipaliwanag mo kung bakit hindi ka nakapunta. Maiintindihan naman niya `yon.”

Umiling si Virgo. “No. I’m going.” Binuksan niya ang pinto at mabilis na lumabas sa bahay.

Mabilis din siyang pumara ng taxi at nagpahatid papunta sa bahay nina Lea kung saan gaganapin ang birthday party.

Wala sa sariling napatingin si Virgo sa rearview mirror ng taxi. Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila ng driver. Ang mas ikinakabog ng dibdib niya ay nang makitang itim ang buong mga mata nito. Wala siyang puti na makita.

Napakapit si Virgo sa gilid ng upuan sa backseat at marahas na ipinilig ang ulo. Baka imahinasyon lang niya iyon. Sino naman ang taong walang puti ang mga mata? Madilim sa taxi kaya siguro hindi niya nakita.

Para makasiguro, tumingin ulit si Virgo sa rearview mirror. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang normal naman ang mga mata ng driver.

God! Ano ba ang nangyayari sa akin? She was hallucinating.

Nang makarating sa bahay nina Lea, mabilis siyang nagbayad. Taxi drivers usually held out their palms for payment, pero ang driver ngayon, hinawakan talaga ang kamay niya na may hawak na perang pambayad.

“M-Manong, b-bitawan n’yo po ako,” kinakabahang sabi ni Virgo.

Tumingin ang lalaki sa leeg niya. Para bang may masarap na pagkain itong nakikita roon. “Ang bango mo naman, Miss Virgo.”

Nanlaki ang mga mata ni Virgo nang marinig ang pangalan niya na binanggit nito. “P-paano mo nalaman ang p-pangalan ko?” Mas nadagdagan ang kaba na nararamdaman niya. “B-bitiwan mo ako.”

Ngumisi ang lalaki. “Okay, Miss Virgo.”

Nang bitawan nito ang kamay niya, mabilis siyang lumabas sa taxi at patakbong pinuntahan ang gate ng bahay nina Lea. Abot-abot pa rin ang kaba na nararamdaman ni Virgo. Halos hindi na siya makahinga nang maayos.

Kung nakita lang niya ang mukha ng lalaki, magsusumbong siya sa mga pulis. Pero madilim sa loob ng taxi. Tanging ang mga mata lang nito ang naaninag niya.

Nang makapasok si Virgo sa loob ng bahay, doon lang siya kumalma.

“You okay, cousin?” nag-aalalang tanong ni Lea nang makita siya nitong pumasok sa loob ng bahay.

Virgo composed herself. “Yeah. I’m fine.” Huminga siya nang malalim. “Nakakatakot lang `yong taxi driver.”

Inilingkis ni Lea ang braso nito sa braso niya. Sabay silang naglakad. “Hindi ba, sinabi ko na sa `yo na huwag kang sasakay sa taxi? Hindi ka kasi nakikinig, eh. May kotse naman kayo. Why not use it?”

“Ayaw akong payagan ni Daddy,” sagot niya. “It’s the stalker thing again. Naniniwala siyang may stalker talaga ako, which is totally absurd.”

“Ang ganda mo naman kasi, eh. Worth it kang i-stalk,” nakangiting sabi nito.

“Hindi ako maganda,” mariin niyang sabi.

Lea rolled her eyes. “Yeah. And pigs can fly. Anyway, kalimutan mo muna ang stalker at ang daddy mo. Kaarawan ko ngayon, We are going to get wasted!” sigaw nito habang may malapad na ngiti sa mga labi. “Woohoo! Let’s party!”

Natatawang nagpahila siya kay Lea papunta sa malaking solar kung saan nandoon ang party. Halos lahat ng imbitado ay mula sa mayayamang pamilya. Hindi naman iyon nakapagtataka. Anak si Lea ng CEO ng Kallean Financial Firm. Isa iyon sa pinakasikat at kilalang financial firm sa buong Asya.

Lea smiled at her. “Pick a table. I’ll be with you in a minute,” sabi nito at iniwan siya nang hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit.

Then, Virgo saw Lea walking towards a handsome man. Napailing-iling na lang siya. Oh, well, it was Lea’s birthday. She ought to have some fun.

Tulad ng sinabi ng pinsan, humanap siya ng table. Virgo picked the table in the corner. Medyo malayo iyon sa dance floor. Nang makaupo, tinawag niya ang waiter at um-order ng mojito. A minute later, her mojito arrived.

Habang umiinom, kumunot ang noo ni Virgo nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya mula sa malayo. Inilibot niya ang tingin. Napako ang mga mata niya sa terasa ng bahay.

May taong nakatayo sa madilim na bahagi ng terasa. Kung hindi nagkakamali si Virgo, nakatingin ang taong iyon sa kanya. Mabilis siyang nagbaba ng tingin saka tumingin ulit sa terasa. Nagpakawala siya ng malalim na hininga nang makitang wala nang tao roon.

Virgo turned her attention to her mojito and sipped it. This night is weird.

Inubos niya ang iniinom at nagpunta sa dance floor para sumayaw. Many men approached her while she was dancing. Wala siyang pakialam. Umeepekto na yata ang alak na nainom niya. Nawawala na ang inhibisyon sa kanyang katawan.

Habang nagsasayaw, may mojito siyang hawak at iniinom iyon nang paunti-unti.

Napatigil si Virgo sa pagsasayaw nang maramdamang may nakatingin na naman sa kanya. Her eyes settled on the terrace again. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang may tao na naman roon. Nasisiguro niyang sa kanya ito nakatingin. Nararamdaman niya ang mga mata nito sa kanya.

Nang umalis ang taong iyon sa terasa, saka lang siya nagbawi ng tingin.

This is very weird, sabi niya sa sarili.

HOURS later, nakailang shot na ng mojito si Virgo. Umiikot na ang paningin niya. Nagulat na lang siya nang biglang may yumakap sa kanya. Itutulak niya sana ang pangahas nang makitang si Lea iyon. Unlike her, Lea appeared to be sober.

“Hey, cousin,” sabi nito. Kumunot ang noo ni Lea nang makitang medyo lasing na siya. “Ano’ng nangyari sa `yo? Inubos mo ba lahat ng alak sa bar?”

Bumungisngis siya nang walang dahilan. “No, I didn’t.” Bumungisngis siya uli. “I think I’m drunk.”

Pinaikot ni Lea ang mga mata. “Isang oras lang kitang pinabayaan. Lasing ka na agad?”

Virgo giggled. “I’m not drunk.” Tinakpan niya ang bibig nang maramdamang nasusuka siya. “Just… tipsy.”

“Kung ganoon, bakit ka nasusuka?” nakataas ang kilay na tanong ni Lea.

Nagkibit-balikat si Virgo. “Hindi ko alam—” Napatigil siya sa pagsasalita at biglang nagduwal. “Oh, shit! Excuse me.”

Tumakbo siya papasok sa bahay at naghanap ng available na banyo. Kailangan pa niyang umakyat sa second floor. May gumagamit kasi sa banyo sa first floor.

Virgo hurriedly entered the bathroom near the mini bar on the second floor. Bukas ang pinto niyon kaya naman dere-deretso siyang pumasok. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw. Agad naman kasi niyang nakita ang lababo.

Virgo vomited in the sink. Nakahawak siya sa gilid ng lababo habang sumusuka. Doon siya kumukuha ng lakas para hindi mabuwal sa pagkakatayo. Pagkatapos sumuka, nagmumog siya at napaatras dahilan para tumama ang likod niya sa likod ng pinto at sumara iyon. Napasinghap siya nang mapalibutan ng kadiliman.

Virgo hated darkness. Kaya naman nagmamadali niyang kinapa kung nasaan ang doorknob at pinihit iyon pabukas.

Malutong siyang nagmura nang hindi iyon bumukas kahit anong pilit siya. Ang ginawa ni Virgo, kinapa niya ang dingding at hinanap kung nasaan ang light switch. Agad naman niya iyong nahanap dahil nasa gilid lang ng pinto. But when she switched on the light, it was not working.

“Shit!”

Sira iyon, dahil kahit anong “on” niya sa light switch, madilim pa rin ang banyo. Therefore, Virgo did the most logical thing to do. Sumigaw siya at pinagbabayo ang pinto para may makarinig sa kanya.

“I’m stuck! Open up! Please? May tao rito! Buksan n’yo ang pinto!” sigaw niya habang panay pa rin ang bayo sa pinto. “Please? May nakakarinig ba sa akin? Buksan n’yo ang pinto! Please, buksan—”

“Kaya nga hindi ko isinara ang pinto. The owner of this house told me that the door usually gets stuck from time to time,” sabi ng baritonong boses.

Napasinghap si Virgo saka humalukipkip na para bang kayang protektahan ng mga braso niya ang katawan. Biglang nawala ang kalasingang nararamdaman kani-kanina lang.

“S-sino ka?” kinakabahang tanong niya.

“You know…” The baritone voice drawled. “It’s really rude to barge into the bathroom while someone is peeing.”

Napamulagat si Virgo. “G-ganoon ba? S-sorry,” nauutal na sabi niya habang panay ang pihit sa doorknob para bumukas iyon, pero hindi talaga.

“Okay lang.”

Nakarinig siya ng yabag palapit sa kinatatayuan niya.

“B-bakit ka naglalakad? Baka mabunggo o tumama ka sa kung saan,” sabi niya na kinakabahan. “Madilim pa naman.”

“It’s okay. I can manage in the dark.” There was a hint of smile in his voice. “How about you? You’re quivering. Is that fear of the dark or fear of strangers speaking to you who are also stuck in this bathroom?”

Paano nalaman ng lalaki na nanginginig siya? Madilim naman para makita nito ang panginginig niya.

Virgo gulped audibly. “B-both.”

Mahinang tumawa ang lalaki na para bang nakakatawa ang sinabi niya. That irritated her.

The man chuckled. “Sorry, I irritate you.”

Natigilan si Virgo. What the! Paano nito nalaman na naiirita siya?

“Hindi ako naiirita,” pagsisinungaling niya. Baka kapag sinabi niyang naiirita siya, bigla siya nitong saktan. Lalaki pa rin ito at mas malakas sa kanya. At isa pa, they were stuck. Baka kung ano ang gawin nito sa kanya.

“And now, you’re afraid,” sabi ng lalaki na ikinagulat at ikinanerbiyos niya. “Wala naman akong ginagawang masama sa `yo para matakot ka,” dagdag nito.

Mas idiniin ni Virgo ang katawan sa pinto. “H-hindi ako natatakot.”

“I can smell your fear,” sabi nito na mas ikinatakot niya.

Hindi umimik si Virgo at walang ingay na dumausdos ng upo sa sahig. Yakap niya ang mga paa habang pinapakiramdaman ang galaw ng lalaki. Hindi na rin nagsalita uli ang lalaki. Sa tunog ng boses nito, pakiramdam niya, kaedad lang niya ang lalaki o kaya naman, mga ilang taon lang ang agwat ng edad nila.

Then, Virgo heard it. Faint sound of footsteps coming her way.

“Ano’ng ginagawa mo?” tanong niya na kinakabahan.

“Walking.”

“Hindi ka ba natatakot na baka mabunggo o matumba ka?” tanong na naman niya.

“Hindi,” sagot ng lalaki habang palapit nang palapit ang yabag sa kanya. “I can see just fine.”

“Pero madilim at—” Tinangay ng hangin ang sasabihin niya nang maramdamang may tumigil na bulto sa harap niya pagkatapos ay lumuhod ito. “A-ano’ng… Nasaan ka na?”

“I’m in front of you.” Tumatama ang hininga ng lalaki sa mukha niya.

Sa halip na matakot dahil malapit ito, kumalma si Virgo. Biglang nawala ang iritasyon at takot na nararamdaman niya kani-kanina lang. And when the man touched her wrist, she felt at ease. She felt like she’d be safe with him.

“There,” said the man with a baritone voice. “Huwag kang matakot. Hinding-hindi kita sasaktan.” Habang sinasabi iyon, inaalalayan siya nito patayo.

Nang nakatayo na nang tuwid si Virgo, naramdaman niyang pumalibot ang braso ng lalaki sa baywang niya at hinapit siya palapit. Something inside her was shouting no. However, she couldn’t control her body and emotion. Hinayaan niyang yakapin siya ng lalaki at haplusin ang likod niya.

“Natatakot ka pa ba?”

Yes!

“No,” sabi niya sabay iling.

“That’s good.” The man then groaned. “God, you smell delicious.”

Naramdaman ni Virgo na bumaba ang mukha nito sa leeg niya. And then, he nuzzled his nose against her bare neck.

“Hmm… God! Ang bango-bango mo. Ikaw na yata ang may pinakamabangong dugo na naamoy ko.”

Para siyang robot na nakatayo lang habang pinaglalandas ng lalaki ang dila mula sa balikat niya papunta sa gitnang bahagi ng leeg niya.

“A-ano’ng g-ginagawa mo?”

“Just a taste, sweetheart,” bulong nito sa tainga niya. Pagkatapos, naramdaman niya ang dalawang matalas na bagay na bumaon sa leeg niya.

Virgo expected pain to assault her, but nothing. She didn’t feel anything. Actually, iba ang nararamdam niya. She felt turned on. Pakiramdam niya, hinahalikan at sinisipsip ng lalaki ang leeg niya. Mahina siyang napaungol sa sensasyong hatid niyon.

“Hey! May tao ba riyan?” sabi ng boses mula sa labas sabay bukas ng pinto. Pero hindi iyon nabuksan kasi nakaharang ang likod niya.

The man instantly pulled away from sucking her neck, licked her neck and then he let go of her wrist. Nang bitawan ng lalaki ang pulsuhan niya, bumalik ang takot at pangamba sa dibdib ni Virgo kanina. Pero bigla na namang nawala ang nararamdamang iyon ng takpan nito ang mga mata niya gamit ang palad at bumulong sa tainga niya.

“You’ll see me again, sweetheart, but not today,” sabi nito at mabilis ang kilos na lumabas sa banyo.

Virgo moved instinctively. Lumabas siya sa banyo. Hinanap ng mga mata niya ang lalaking pangahas na humalik sa leeg niya.

“Ayos ka lang ba, Miss?” tanong ng boses ng lalaki mula sa likuran niya.

Mabilis siyang humarap sa nagsalita. “I-ikaw ba `yong—”

“Good God!” the man exclaimed, stopping her question. Itinuro nito ang leeg niya. “Ano’ng nangyari sa leeg mo? Dugo ba `yan?” Puno ng pagtataka ang mga mata nito.

You May Also Like