
Precious Pages · Ongoing · 12 Chapters
Bea was only two months old when ten-year-old Franco Navarro promised her father that she would marry him on the eighteenth summer. And two months have passed since her eighteenth birthday. And for the first time in Bea’s life she will face Franco Navarro to implement here the promise he made. Franco Navarro has no intention of marrying any woman. But Bea was determined and she was holding on to his promise once upon a time.
Prologue
Prologue
1950
N
asa
bukana ng pinto ang sampung taong gulang na si Franco nang marinig niyang sumisigaw si Don Alvaro Sebastian.
“
Hijo de... caramba
!” Ang matanda na itinaas ang baston sa mukha ng anak na si Erlinda. “Iwan mo ang hampaslupa mong asawa, Erlinda, at tatanggapin kitang muli. Kayo ng anak mo!”
“Mahal ko si Crisanto, Papa. Hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo,” humihikbing sagot ni Erlinda.
“Mahal!” ismid ng matanda. “Tingnan mo ang resulta ng sinasabi mong pagmamahal, Erlinda. Para kang pulubi. Ipinagpalit mo ang anak ni Don Enrique Montaho sa pobreng iyon na isa lamang tauhan sa rancho,
que horror
!” patuloy ng matanda. “At hindi kita patatawarin hangga’t hindi mo siya hinihiwalayan.”
Umatras si Franco palabas sa narinig na panghahamak ng abuelo sa ama. Pagkatapos ay kumaripas ng takbo.
“Franco!” Lingon ni Erlinda sa anak. Nag-aakusang tiningnan sandali ang ama at sinundan ang bata.
Si Franco ay patuloy sa pagtakbo at walang kamalay-malay na apat na ranchero ang humahabol sa isang nagwawalang toro. Nagulat pa ang bata sa sigawan ng mga tauhan ng rancho.
“Ang bata! Ang bata!”
Biglang huminto sa pagtakbo si Franco. Natuon ang tingin sa sumisingasing na toro na siya ang tinutungo. Ilang dipa na lamang ang layo nito sa kanya.
“Franco, takbo, anak!” sindak na sigaw ni Erlinda nang makitang ang anak ang pinupuntirya nang nagngangalit na baka. Halos panawan siya ng ulirat sa natitiyak na mangyayari sa anak.
Ang bata ay marahang umatras na sa sindak ay hindi agad makatakbo at sumusugod ang toro. Sa isang kisap-mata’y tumaas mula sa lupa ang bata na hinablot ng isang rancherong nakakabayo at mabilis na inilayo. Subalit hindi bago nasabit ang sungay ng toro sa balikat ni Franco na pumunit sa kamiseta niya.
Ibinaba ng ranchero ang bata sa harap ni Erlinda na walang-kulay ang mukha sa matinding sindak.
“Franco, anak!” Halos hindi lumabas sa bibig ni Erlinda iyon at mahigpit na niyakap ang bata.
“May sugat siya, senyorita,” wika ng magiting na ranchero. Hinubad ang bandanang nakasabit sa leeg at iniabot kay Erlinda. Sa nanginginig na kamay ay itinali nito ang bandana sa duguang balikat ni Franco. Ang bata bagaman natakot ay hindi umiyak kahit na dumudugo ang balikat.
“Oh, Franco...”
m
uling niyakap ni Erlinda ang bata.
“Kailangang dalhin ninyo agad sa bayan si Franco, senyorita. May sugat siya sa balikat. Baka hindi maampat ng tali.”
Tumingala si Erlinda sa ranchero. Si Alfonso ay kaibigan ni Crisanto. “M-maraming salamat, Alfonso. Utang ko sa iyo ang buhay ni Franco. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa mong ito.”
Kumawala sa ina si Franco at tumingala sa ranchero. “Ako ang may utang sa kanya, Mama. Buhay ko ang iniligtas niya kaya ako ang dapat na magbayad,” mariin at malinaw na sinabi ng bata. “Sa anumang paraan, Alfonso, magbabayad ako ng utang.”
Nangiti ang ranchero. “Para kang si Crisanto kung magsalita, Franco Navarro.”