Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Iuhence Vergara (Possessive Series 2)

Precious Pages · Ongoing · 24 Chapters

...

About this book

Eight years ago, Mhelanie was the most stunning and ravishing woman Iuhence ever laid his eyes on. He instantly felt the strong desire to own her. And to his surprise, in just one night, she managed to wake the emotions that he never knew he was capable of feeling with just one kiss. Eight years later, they met again. The feeling was still there. But apparently, Mhelanie didn’t care if she made him feel strange emotions. This made Iuhence decide to do everything in his power to get this woman.

Introduction

NAKAHINGA nang maluwang si Iuhence nang lumapag ang eroplano na trip lang lumipad sa himpapawid dahil may isang baliw na lalaki na umupa niyon para magtapat ng nararamdaman at mag-propose sa isang babae. His friend, Tyron Zapanta, was one crazy man. Baliw na baliw ito kay Raine. At dinamay pa siya.

You volunteered, remember? anang isang bahagi ng kanyang isip na madalas ay hindi sang-ayon sa kanya.

“What the hell,” he muttered under his breath and then stepped out of the airplane.

He was walking towards the airport exit when an irresistible scent filled his nostrils. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at sinamyo ang hangin sa paligid. Sinundan niya ang amoy at dinala siya niyon sa likod ng isang babae na abala sa pagkalkal sa dala nitong pouch.

Naka-focus ang atensiyon ng babae sa pouch kaya hindi makita ni Iuhence ang mukha nito. Natatakpan pa iyon ng mahaba at tuwid na buhok ng babae.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng babae. Natigilan ito, saka nag-angat ng tingin. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Iuhence nang magtama ang kanilang mga mata. Dahan-dahang napaawang ang kanyang mga labi habang nakatitig sa babae na nakatitig din sa kanya. She’s so beautiful—no, pretty—no. Gorgeous? No. There were no words to describe the beauty the woman possessed.

Nakamaang lang siya sa maladiyosa nitong kagandahan.

Kulay-abo ang mahaba at straight nitong buhok na sa hula ni Iuhence ay kinulayan lang. Matangos ang ilong nito at mapupula ang labi na para bang nang-aakit iyon at napakasarap gawaran ng halik. Her lips made his mouth water, made him want to taste them. Then her expressive— Wait what? Her eye color was red?

Mas sinuri pa ni Iuhence ang mga mata ng babae. Baka nagkakamali lang ang paningin niya.

Yes, definitely red. What the fucking hell? Siguro nakasuot ito ng contact lenses, napakaimposible naman kasi na maging kulay-pula ang mga mata nito. Iniisip tuloy niya ngayon kung ano ang tunay na kulay ng mga mata ng babae?

Ang ganda niya, komento niya sa isip.

“Need anything?” mataray na tanong ng babae.

Hindi sumagot si Iuhence. Basta nakatitig lang siya sa babae na nakataas ang isang kilay. Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero walang lumabas ni isang kataga mula roon.

Fuck! Ano ba ang nangyayari sa `kin? I really should look away. By now, this woman thinks that I am a lunatic for staring at her face for more than a couple of minutes.

Napakurap-kurap siya at inilahad ang kamay. “Hi. I’m Iuhence Vergara.” Then he flashed his infamous smile that makes women’s knees wobble.

Nasa isip na ng binata ang sunod na mangyayari. Tatanggapin ng babae ang nakalahad niyang kamay at ngingitian din siya. Pero hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Nanatiling nakataas ang isang kilay nito at pinukol siya ng masamang tingin.

“I didn’t ask for your name,” anito, saka naglakad at nilampasan siya. Binangga pa ang kanyang balikat.

Hinabol ng mga mata ni Iuhence ang papalayong bulto ng babae. Bumaba ang kanyang tingin sa maumbok nitong pang-upo. He felt his groin tighten inside his pants. Damn it!

Hindi niya napigilan ang sarili na sipulan ang babae. “Nice ass, Miss White-gray Hair!” sigaw niya na saglit na ikinatigil nito sa paglalakad.

Mahina siyang natawa nang makitang halos liparin ng babae ang daan patungong exit. Napailing-iling siya nang makaramdam ng panghihinayang. Hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng babae.

Sayang.

Nagpatuloy nang maglakad si Iuhence patungong exit. Dumeretso siya sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Kailangan niyang makauwi sa bahay ng mga magulang dahil mamaya na ang kaarawan ng kanyang mommy. Kailangan present siya.

“HAPPY birthday my very beautiful, mother,” masiglang bati ni Iuhence sa ina, saka ito hinalikan sa pisngi. “Sana nag-e-enjoy ka sa birthday party mo, Mom.”

His mother, Othella Johnson-Vergara—crowned Miss Universe 1988—smiled at him. “`Sus, ikaw na bata ka, binola mo na naman ako.”

Mahina siyang natawa. “Mom, hindi kita bobolahin. Kapag ginawa ko `yon, para ko na ring binola ang sarili ko. Magkamukha tayo, remember?” sabi niya, saka pabirong kinindatan ang mahal na ina.

“Oo na,” sagot nito na parang suko na. “Siya, asikasuhin mo ang mga bisita mo,” anito na iminuwestra ang kamay sa mga kaibigan niya na nagkukumpulan sa isang mesa at kumukuha ng litrato.

“Okay, Mom.” Hinalikan uli ni Iuhence ang pisngi ng ina, saka naglakad patungo sa maiingay na kaibigan. “Yow, handsome people,” aniya nang makalapit sa table ng mga ito at umupo sa bakanteng upuan. “Kumain lang kayo. Masarap ang pagkain na sine-serve ngayon.”

Dark rolled his eyes. “Malamang. Si Train ang cook mo, eh.”

Ngumisi siya. “Yeah.”

Umiling-iling si Lander. “Ikaw na talaga, pare. Ikaw na ang kuripot. Ang laki ng kinikita mo buwan-buwan, hindi ka man lang kumuha ng caterer?”

“Train offered,” aniya, saka nagkibit-balikat. “Tinanggap ko lang. Nakakahiya naman kung tatanggi ako.”

“Ang sabihin mo, tinanggap mo dahil libre,” naiiling na sabi ni Calyx.

“That’s part of the reason,” nakangiting sabi ni Iuhence. “Anyway, nasaan ang love birds? Nasaan sina Tyron at Raine?”

Calyx made a sound denoting disgust. “I don’t want to be near them. Nakakasuka ang kasweetan nilang dalawa. `Buti nga hindi pa sila nilalanggam, eh.”

Lander shivered. “Yeah. They keep on looking at each other like there’s no tomorrow. `Buti na lang nakalabas ako ng eroplano bago sila. Baka nasuka na ako.”

Natawa si Iuhence sa komento ng mga kaibigan. Ganoon din ang kanyang mga sentimyento. “Agree. They’re gross. Mabuti na lang hindi sila pumunta rito. Baka hinulog ko sila sa swimming pool—”

“Wait, Iuhence. Look at that,” putol ni Lander sa kanya, saka may itinuro sa kanyang likuran. “Sino `yon? Ang ganda niya.”

Nang marinig ang salitang “maganda” ay kaagad siyang lumingon. Lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang tinutukoy ng kaibigan. Ang babae sa airport!

Bago pa maunahan ni Lander, tumayo si Iuhence at pasimpleng naglakad patungo sa mesa ng mga magulang kung saan naroon ang babae na mukhang bored na bored na.

“Good evening, everyone,” aniya na ikinalingon ng lahat ng nasa mesa, kasama na roon ang babaeng may abuhing buhok.

NAIINIP na uminom si Mhel ng ikalimang baso niya ng vodka. Mula nang dumating sila sa birthday party ni Mrs. Othella Vergara, former Miss Othella Jacobson, wala nang ginawa ang mga magulang niya kundi ang makipag-usap sa mga taong wala siyang interes kausapin. Pulos business ang pinag-uusapan ng mga ito na wala naman siyang kaamor-amor. Itinuon na lang niya ang pansin sa pagkain na nasa kanyang plato, pero kahit ganoon ay naririnig pa rin niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“They will be a great couple, `no?” Narinig niyang sabi ng kanyang ama. “They will produce beautiful babies.”

Napakunot-noo ang dalaga. Sino naman kaya ang tinutukoy ng kanyang ama na gagawa ng magagandang babies?

“Yes. I agree,” wika ni Mr. Rickee Vergara habang nakangiting nakatingin sa kanya.

Lalong nagulo ang isip ni Mhel. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito?

“You’re son and my daughter should get married as soon as possible. `You agree with me?”

“Yes, I agree.”

Para siyang tinakasan ng lakas sa narinig na sinabi ng ama. Nanlamig siya sa kinauupuan. Get married? Soon? No! No! No! Hindi puwede!

Sinabi na ng ama na nakapili na ito ng lalaking para sa kanya, pero hindi naman nito sinabi na pakakasalan niya ang lalaking iyon! No way! Hindi siya papayag! Akala ni Mhel ay nagbibiro lang ang ama nang sabihin iyon. Bakit ba hindi niya naisip na hindi ito nagbibiro?

I’m just twenty-one for crying out loud! I am not marrying at a young age for fuck’s sake!

Alam ni Mhel na masisira ang kanyang buhay kapag sinunod niya ang kagustuhan ng ama. Sa pagkakataong iyon, siguro, dapat kagustuhan naman niya ang masunod. Mula pagkabata ay kontrolado na ng ama ang lahat ng kanyang galaw. Pero hindi ngayon. Not this time.

“Good evening, everyone.” A man with a very familiar sexy baritone voice spoke.

Lumingon si Mhel sa pinanggalingan ng boses at napanganga nang makita ang bastos na lalaki kanina sa airport.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaki na may taglay ng pinakaguwapong mukha na yata na nakita niya. Kinuha nito ang kanyang buong atensiyon kanina nang magtama ang kanilang mga mata. Napakaguwapo ng lalaki kanina, pero mas gumuwapo yata ito ngayong nakasuot ng tuxedo.

Ang magulong buhok ng lalaki kanina ay maayos na ang pagkakasuklay ngayon. Mas gumuwapo ito sa paningin ni Mhel. He looked like a Calvin Klein model, with strong jaw line, pointed nose, and thin lips. Makalaglag- thong panties ang taglay nitong kaguwapuhan.

He could be the personification of the phrase hot and gorgeous.

She stared back at his magnificent emerald eyes and it felt like she was being sucked into the depths of them. Nagbaba siya ng tingin pero hindi niya napigilang mapatitig sa mga labi ng lalaki. Oh, God! This man should be in Alcatraz for possessing such sinfully handsome face.

“Everyone,” tumayo si Mr. Rickee at tinapik ang balikat ng lalaki na bagong dating. “This is my son, Iuhence Vergara,” puno ng pagmamalaki ang boses nito.

Tumayo ang daddy ni Mhel at kinamayan si Iuhence, pagkatapos ay lumapit sa kanya ang ama at hinawakan siya sa balikat. “This is my daughter, Mhelanie Tschauder. She will be your wife. We are already planning the wedding.”

Galit na tumayo siya at nilapitan ang lalaki na malagkit ang tingin sa kanya. Mukhang hindi ito nagulat sa sinabi ng kanyang ama. Does he know?

“Sexy dress,” komento ni Iuhence sa mahinang boses habang malagkit ang mga mata na nakatingin sa katawan niya. “You’re giving me a huge boner, honey.”

Nag-init ang mga pisngi ni Mhel, kagaya iyon ng naramdaman niya kanina nang sumigaw ang lalaki ng “nice ass, Miss White-gray Hair” sa airport. Lahat yata ng kalalakihan kanina sa airport na nakarinig sa sinabi ni Iuhence ay napatingin sa pang-upo niya kaya halos liparin niya ang exit.

Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili.

“Dance with me,” aniya. Hinawakan niya ang lalaki sa kamay at hinila patungo sa dance floor.

Hindi nakatakas sa pansin ni Mhel ang kuryenteng dumaloy sa kamay niya habang hawak ang kamay ng binata. Napatiim-bagang siya.

Please, get hold of yourself! Lalaki lang `to. Maraming lalaki sa Canada! saway niya sa sarili.

Kaagad na yumapos ang mga kamay ng binata sa baywang niya at siya naman ay napayakap sa leeg nito nang makarating sila sa dance floor.

“Hindi ako magpapakasal sa `yo,” walang paligoy-ligoy na sabi ni Mhel sa binata.

May kislap ng kainosentihan ang mga mata ni Iuhence nang tumingin sa kanya. “Yeah? Sa tingin mo naman hahayaan ka ng daddy mo na sumuway sa kagustuhan niya?”

“I’ll talk some sense into him.”

“Really?” Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha.

Nahigit ni Mhel ang hininga. Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan. Isang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila. Naamoy niya ang mabangong hininga ni Iuhence at ang pabango nitong parang nagpapalasing sa kanyang diwa. Ano ba ang nangyayari sa kanya? She could feel her lips tingling. Dahil sa malapit nilang mga labi ay parang gusto niyang halikan ang binata. And the urge to kiss him was getting stronger every passing second.

Epekto ba iyon ng alak na nainom niya? Pero hindi naman siya lasing.

Tumikhim si Mhel para mawala ang atensiyon sa halos magkadikit na nilang katawan ni Iuhence. “K-kung wala kang pakialam, ako mayroon.” Nararamdaman niya ang kiliting gumagapang sa kanyang katawan na naghahatid ng init. “A-ayokong makasal sa lalaking hindi ko kilala at gusto.” Napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso niya. “At bata pa ako para sa kasal-kasal na `yan—” Napatigil siya sa pagsasalita nang mapansing nakatingin si Iuhence sa kanyang mga labi na parang isang gutom na leon. “Nakikinig ka ba sa `kin?”

Sinalubong ni Iuhence ang kanyang tingin at kitang-kita ni Mhel ang kislap ng pagnanasa sa mga mata ng binata at naapektuhan siya niyon. Pareho silang ng nararamdaman. She wanted to kiss him, and it looked like he wanted the same thing.

You May Also Like