James Navarro (Kristine Series 19)

James Navarro (Kristine Series 19)

Precious Pages · Ongoing · 21 Chapters

...

About this book

"My brother excels in everything, Chantal. He's a martial arts expert, a champion swimmer, he races cars like a madman ... and he didn't just inherit my grandfather's looks but also Franco's business acumen and ambition. And women run after him as if he was the only man on earth ... " Chantal indulged Quinn when she listened to her story about her superhero brother. But she didn't believe in it. James Navarro was just a product of her imagination ... But never in her wildest dreams that she could soon meet the man himself. But Quinn missed something to tell her — James Navarro was also arrogant and rough.

Chapter 1

“B E SURE to take your brother back home, James,” mahigpit na bilin ni Alvaro sa anak mula sa kabilang linya. His tone obviously worried.

“Don’t worry, Papa, iuuwi ko rito si Quinn...” he promised to his father drily. He would have put back the instrument to its cradle nang muling magsalita si Alvaro.

“You can borrow the FNC chopper, can’t you? Mas mapapadali niyon ang pagtungo mo sa—”

“Papa, it’s okay,” putol niya sa sasabihin ng ama. His voice impatient. “Hindi natin alam kung may landing area sa address na sinabi sa atin ng kung sino mang tumawag. Mula rito hanggang Aurora’y kaya kong kuhain nang limang oras. I’ll be there before noon.” At bago pa makapagsalitang muli si Alvaro, he said goodbye to his father and put down the phone to its cradle.

Si Nayumi na nakikinig sa extension sa dining room ay lumabas at tinitigan si James na nakatayo pa rin sa gitna ng sala.

“He’s worried...” wika nito.

“Yeah,” matabang niyang sagot. “Kailan ba naman hindi? He’d been worrying himself to death pagdating kay Quinn...”

“You aren’t jealous, are you?” nananantiyang tanong ni Nayumi, looking straight into his brother’s handsome but grim face. Tila inaarok ang damdaming nakapaloob doon.

James’ mouth twisted upward in a sarcastic smile. “I am not capable of such emotion, Naya...” he said, using his pet name for his younger sister. “I am a hard man, aren’t I?”

“I know you love Quinn, James... we both do. Hindi niya kasalanan kung ang Papa’y—”

“I’d better get going, Naya,” he cut her abruptly at humakbang patungo sa malaking pinto. “Nangako ako sa Papa na iuuwi ngayong hapon si Quinn.” He could still hear her sigh. At nasa labas na siya ng pinto nang marinig ang sinabi nito.

“Shall I tell the family that we’ve found Quinn?”

Bahagya lang siyang huminto, shrugged his shoulders as if he didn’t care whether other members of his family be informed of Quinn’s whereabouts, at saka nagpatuloy sa paglakad patungo sa Ford Explorer niya. Ang hardinero’y mabilis na tumakbo patungo sa gate nang marinig ang pag-andar ng sasakyan at binuksan iyon.

Hindi pa nito halos naibubukas nang mainam ang gate nang rumaragasang palusutin ni James ang sasakyan, doon. Gumigiik ang gulong ng four-wheel drive at gahibla ang pagitan upang masagi ng gate na bakal ang sideview mirror.

“Baka maaksidente ang kapatid mong iyon, Nayumi...”

Nilingon ni Nayumi ang pinanggalingan ng nag-aalalang tinig. Si Adora, a plump and handsome woman in her mid-forties. Isa itong nursing aid na nakilala ni Beatriz sa isang ospital sa Texas nang minsan itong magpa-checkup. She was employed by Beatriz at isinama pabalik sa Pilipinas when James started school.

At si Adora ang yaya nilang dalawa ni James mula pa sa pagkabata. Quinn had a different nanny.

“He’ll be fine, Adora,” she assured the old woman. “Hindi ka na nasanay doon kapag nagagalit at nag-aalala. He’s like a madman...” she said in dry amusement.

“Natutuwa ako’t sa wakas ay tumawag si Quinn, Nayumi...”

“Me, too... if only for my father’s peace of mind,” wika niya at sinamahan iyon ng buntong-hininga.

ANG BUONG atensiyon ni James ay nakatutok sa daan. He was driving too fast. Kahit ang tila walang-katapusang matatalim na zigzag ng Sierra Madre ay hindi nakapagpabagal sa kanya. Gustong ibuhos ang galit at pag-aalala sa manibela ng sasakyan. Kung nagkataong may kasama siya sa sasakyan sa sandaling iyon ay malamang na hinimatay na sa takot sa tuwing umiingit ang mga gulong ng four-wheel drive sa biglang preno sa sandaling may makasalubong.

Sa gilid ng makitid na zigzag road na kung tawagin ay bitukang-manok ay malalalim na bangin na kung sakaling may mahulog na sasakyan ay malamang na matatagalan bago iyon makuhang muli—kung agad mang makikita.

He was angry and worried. Quinn was his half- brother and thirty-five years old. Matanda sa kanya nang anim na taon. Anak ng ama sa isang socialite bago nito pinakasalan ang mama niya, si Kristine. Dalawang taon nang kasal sina Alvaro at Kristine nang dumating ang babae at ipaalam sa mag-asawa ang tungkol sa bata, na nang panahong iyon ay isang taon at anim na buwan.

Sinabi ng babae na mag-aasawa na ito at sa Amerika na maninirahan at hindi nito gustong maging sagabal ang bata sa pagpapasimula sa buhay may-asawa. Na kung hindi dahil sa ama nito’y hindi nito binalak ituloy ang pagdadalang-tao kay Quinn... that she had been very brutal in telling Alvaro and Kristine that she had took some pills to have her son aborted. Na hindi miminsang binalak nitong magtungo sa isang abortionist upang tanggalin ang bata kung hindi lang dahil sa banta ng ama nitong hindi ito pamamanahan kahit isang kusing kapag ginawa iyon.

And now that her father was dead, she didn’t want to burden herself with a one-and-a-half-year old son. At ipinangalandakan din nito sa mag-asawa na pinaglaanan ang bata ng trust fund ng ama nito na makukuha ni Quinn pagdating sa takdang gulang. At sinabi rin nito kay Alvaro na malaya nitong maipasuri ang dugo ng bata kung nagdududa ito sa paternity ni Quinn.

Subalit hindi pinagkaabalahang gawin ni Alvaro iyon. It was unnecessary. One look at Quinn, walang makapagsasabing hindi nito anak ang bata. Quinn as a child was Alvaro’s carbon copy, maliban sa kulay ng balat dahil maputi si Quinn na marahil ay minana sa ina. Subalit kung mayroon mang hindi nagawan ng paraan si Alvaro ay ang halinhan ang apelyido ng bata. Ang pangalan ng lolo nito’y legal na mananatiling taglay ni Quinn dahil hindi sasang-ayunan ng ina nito ang pagpapalit ng apelyido dahil doon nakasalalay mismo ang mamanahin ng babae.

Si Kristine na noong mga panahong iyon ay minsan nang nakunan ay hindi tinanggihan ang bata.

Subalit hindi minana ni Quinn ang kalakasan ni Alvaro. He had been a sickly boy—na marahil ay siyang resulta ng mga tabletang ininom ng ina nito upang ito’y ilaglag. Sino ang makapagsasabi? Na siyang dahilan naman upang mapalapit at mapamahal nang husto kay Alvaro si Quinn.

At bagaman ginampanan ni Kristine ang papel bilang ina ni Quinn ay ninais pa rin nitong magkaroon ng sariling anak. For three-and-a-half years, she had two another miscarriages before she conceived and gave birth to James. But she never recovered her strength.

For the next three years she’d been in and out of the country for medical treatment. James was four-and-a-half years old when Kristine succumbed to death. Quinn was almost eleven years old and the spitting image of his father. While James took after his grandfather’s. Hindi lamang sa anyo kundi maging sa halos lahat ng bagay.

Kristine’s death was Alvaro’s darkest moment. Kung hindi lang dahil sa masasakiting si Quinn na kailangan ng pag-aasikaso nito’y hindi ito makaka-recover. But he had never been the same after that.

Subalit nakalimutan nitong maliban kay Quinn ay nandiyan si James, na lubusang ipinagkatiwala sa mga yaya. Mas maraming panahon ng kabataan ang ginugol ni James sa piling nina Franco at Beatriz.

JAMES sighed heavily. Makalipas ang halos isang taon ay may inutusan si Quinn na tawagan siya at ipaalam na nasa Aurora ito at nagpapasundo.

Aurora. Napailing siya. Quezon province was divided into two provinces, ang Aurora, at ang Quezon mismo. At ni hindi hinihinala ng pamilya na nasa Aurora lang naglagi si Quinn sa nakalipas na walong buwan. It wasn’t that far from AltaTierra and Sto. Cristo kung sa dagat dadaan.

Smart of him, James thought drily. Walang mag-iisip sa pamilya na sa bulubundukin din lang ng Aurora ito nagtatago, kung pagtatago man ngang matatawag ang ginawa ni Quinn.

Subalit lingid sa kaalaman ni Alvaro, he never really tried hard to locate him dahil na rin mismo sa pakiusap ni Quinn sa kanya sa sulat na iniwan nito na sabihin niya kay Alvaro na huwag itong mag-alala dahil nasa mabuti itong kalagayan; that he would soon come back home; na gusto nitong hanapin ang sarili at gawin ang gustong gawin.

You May Also Like