Let me be the One 1

Let me be the One 1

Mimhytot · Ongoing · 13 Chapters

...

About this book

Her name is Renesmee, a redheaded daredevil. And that’s her nature. A destroyer. And she’s nothing but proud. The real story started with a silly date. And guess what? She fell in love. But the thing is… HE can’t love her back.

Chapter 1

I finally understood what true love meant. Love meant that you care for another person’s happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be.

- Nicholas Sparks

Inilipat ko ang pahina ng librong binabasa ko nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. “Young lady, may tawag ho kayo.” Ani ni Mr. Art, ang pinaka-head sa mga bodyguards ko.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy lamang ang pagbabasa. “Young lady,” tawag niyang muli sa akin. Iritable kong isinara ang libro at inis na humarap sa kanya. Kinuha ko ang cellphone kong patuloy pa rin sa pagtunog at agad na bumungad sa akin ang pangalan ng tumatawag.

“Why?” Bungad ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.

“Renesmee, pwede ka ba ngayon? I mean, I really want to break up with her.”

Agad na kumunot ang noo ko. “But—”

“Hindi ko na kaya.” Pigil niya sa sasabihin ko. “Please?”

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang salitang please mula sa kanya. Kinikilabutan ako sa pagmamakaawa niya. Tumingin ako sa mga bodyguards na kasama ko sa sasakyan. Kasalukuyan kaming nasa byahe papauwi sa palasyo. Naka-bantay sila ng maigi at mukhang mahihirapan akong tumakas. Tumingin ako sa labas ng sasakyan upang magmasid sa paligid. Agad akong napangiti ng pilya nang saktong mag-red ang traffic light.

“Alright, Liloree. Ihanda mo ang five thousand ko.” Saad ko at saka ibinaba ang tawag. Ngumiti ako ng nakakaloko at tumingin sa mga bodyguard kong mga gunggong, mangmang at mga walang alam.

“Hey guys, see yah later.” saad ko at saka agad lumabas ng sasakyan.

“Young lady!” sigaw nila.

Mabilis akong tumakbo papalayo. Agad silang nagbabaan ng sasakyan at hinabol ako. Patuloy ako sa pagtakbo at agad na tumawid sa kabilang kalsada. Pilit nilang sinusubukang mahabol ako pero hindi na nila ako nasundan pa dahil sa mga humaharurot na sasakyang humarang sa daraanan nila. Pumara kaagad ako ng taxi at katulad ng madalas mangyari, natakasan ko nanaman sila.

☆☆☆

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa sinasabing lugar ni Liloree, kung saan kami magkikita, nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Hindi na ako nagulat pa sa mga reaksyon nila dahil sanay na sanay na akong pinagkakaguluhan ng lahat. I am the one and only Renesmee Marie Alcantara Clarkson. Born to be admired, the dream of every man, and the heart breaker of the town.

“Renesmee!”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sigaw ng lalaking naglalakad papalapit sa akin. And here comes my twin brother, Liloree Cai Alcantara Clarkson.

“Are you wearing a wig?” Natatawang tanong niya.

Tiningnan ko siya ng masama.

“Hey, kidding.” Bawi niya at saka hinalikan ang pisngi ko. “You think this plan would work?”

“Trust me, this is my mantra.” Sagot ko sabay umismid.

“Alright. I trust you. Let’s go.” Saad niya at nagsimula kaming maglakad papunta sa lugar kung nasaan ang girlfriend niya.

Huminto kami sa tapat ng Marsonville Coffee Shop at saka pumasok sa loob. Pagpasok ay natanaw kaagad namin si Paula Dominic, ang babaeng sikat na sikat sa St. Anthony High School, isang catholic school kung saan hindi pu-pwede ang mababait na katulad ko. Na-kick out ako sa school na iyon isang linggo na lang bago matapos ang school year. Napaka-considerate nila, hindi ba?

Lumapit kami sa kanya at napatayo kaagad siya nang makita niya si Liloree. I feel sorry for her. Liloree and I planned to break her heart.

“Hey baby, what took you so long?” Bungad niya at ngumiti ng malapad sa kambal ko.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Liloree. Naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko. He’s not supposed to touch me. Ugh.

Napatingin sa akin si Paula. “Oh, you're with someone. Who is she?”

Hinila ako ni Liloree papalapit lalo sa kanya. “She's my new girl. Let's break up.”

Halata ang pagkabigla sa reaksyon ni Paula.

“Your what? New girl? You're going to replace me with a weirdo like her? You got to be kidding me, Liloree.” Hindi makapaniwalang saad niya.

Agad na napataas ang kilay ko sa naging sagot niya. Weirdo? I intend not to be hard to her but never mind. I’m going to break her heart. Really hard.

Ngumiti ako ng mapang-insulto sa kanya. “I may look weird to you but would you believe me if I say that your boyfriend slept with me last night? You can ask him for the confirmation.” Nakangiting saad ko.

“W-What?!” Gulat na sigaw niya.

“You heard me. And oh! He was damn so good in bed. I really enjoyed every bit and pieces of him last night.”

Halatang nanginginig na siya sa galit. Nag-uunahang pumatak ang mga luha sa pisngi niya.

“You’re a b*tch!” Umiiyak na sigaw niya.

“I know.” Mabilis na sagot ko. “And I don’t care.”

Huh! Hanggang dun lang pala siya. What a weak girl. I flipped my hair at tinaasan siya ng kilay. Aalis na sana kami ni Lilo pero laking gulat ko nang agad niya kong sinabunutan. Humarap ako sa kanya para sana gumanti at sabunutan na rin siya in return, pero hinawakan ni Lilo ang kamay ko.

“You don't have to hit her, Renesmee.”

“What?! But she's already taking my wig off!”

“Huh?! Make a way! Make a way!” Natatarantang sagot niya.

Nagulat siya nang itulak ko siya palayo. “Start digging now, Liloree. Ililibing ko ng buhay 'tong ex-girlfriend mo.” Inis na saad ko at saka hinarap si Paula.

Agad ko siyang sinampal at sinapak. Hindi pa ko nakuntento at sinipa-sipa ko siya. Kumuha ako ng isang upuan at hinataw iyon sa kanya. Nang hindi nawasak ang upuan ay hinataw ko itong muli sa kanya hanggang sa mawasak.

Hindi pa rin siya tumigil at patuloy pa rin sa paglaban sa akin. Kinuha ko ang isang vase malapit sa amin at binuhos ko ang laman noon sa mukha niya bago ko ipinukpok iyon sa ulo niya. Bahagya siyang natigilan, pero hindi pa rin siya sumusuko. Aba, matigas siya ha.

Kinuha ko ang isang lamesa at ibinato koi to sa kanya pero nakailag siya kung kaya't ang salamin na nagsisilbing dingding ng coffee shop ang tinamaan at nabasag. Mas pinapakulo niya ang dugo ko. Pilit akong inaawat ni Liloree pero itinulak ko siya palayo.

Makalipas ang ilang minuto ay pinagpag ko ang sarili ko dahil sa dumi na natamo ko. Akala ko naman ay may binatbat siya. Napatingin ako kay Liloree na nakanganga sa tabi ko. Isinara ko ang bibig niya. “Baka pasukan ng langaw.” Saad ko.

Agad siyang bumalik sa kanyang katauhan. “Grabe, napaka-sadista mo.”

“Kasalanan niya. She pushed me to my boiling point.”

Napailing na lang siya at tumingin kay Paula na nawalan ng malay. “Ready for the plan B?” Napataas ang kilay ko. Plan B? I never heard he mentioned anything about Plan B. Nagulat na lang ako nang hinawakan niya ang kamay ko at bumulong sa akin.

“Let's run!” Bulong niya at bigla na lang niya akong hinila at isinama sa pagtakbo. Halos kaladkarin niya ‘ko sa pagtakbo. Tumingin ako sa likuran namin at laking gulat ko coz a lot of guards are running after us. Ugh, dead!

Malapit na sana kami sa sasakyan niya nang bigla na lang siyang naunang tumakbo.

“L-Liloree. What are you going to do?” Kinakabahang tanong ko pagkasakay niya sa sasakyan at pinaandar ang makina nito.

“Sorry my princess, pero una na ko ha! Love you kambs!” Sigaw niya at saka kumaway at pinaandar ang sasakyan paalis.

“Liloree! You bastard! Stop!” Sigaw ko.

Nagulat ako nang bigla na lang may humawak sa magkabilang braso ko.

“Tatakas ka pa ha!”

“Ugh, ano ba! Take your filthy hands off me!” Inis na utos ko.

“Ipapakulong kita!” Sigaw niya.

“Oh, I’m scared to death. And please lang ha, before you talk to me make sure na nag-tooth brush ka.” Saad ko at pilit inaalis ang hawak niya sa isang braso ko.

☆☆☆

“I’m here Ma'am to give our deepest apology for what our young lady, Miss Renesmee, have done to this shop. This is Attorney Buenafe, the Clarkson's lawyer, he’s here to discuss our proposal about the damages.” Saad ni Mr. Art sa manager ng coffee shop na nasira ko.

“Here is the agreement we would like you to sign.” Saad ng lawyer namin at iniabot ang isang folder at ballpen sa manager ng shop. “This agreement concerns of giving our young lady, Miss Renesmee, a week to pay the one million and five hundred thousand pesos damages of this shop. We hope you'd agree with this.”

“Wait, what?! Did I hear you right?!” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ako ang magbabayad? Nagpapatawa ba sila?!

Paglabas namin ng coffee shop ay nakabusangot ako at hindi maipinta ang mukha. “Young lady, sumakay na ho kayo.” Saad ng isa kong bodyguard at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.

Tiningnan ko silang lahat ng masama at bago pa man nila ko mapapasok ng kotse ay.. “Young lady!” Tumakbo ako ng napaka-bilis palayo sa kanila at pumara ng taxi at mabilis na sumakay.

“Saan po tayo?” tanong ng driver pagkasakay ko.

You May Also Like