Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Vash Illustre (The Billionaire Boys Club 9)

Precious Pages · Ongoing · 10 Chapters

...

About this book

"I love you so much I don't know how to hate you." Presea never believed in love stories and happy endings. She lived in a violent reality. Until one day, her unexpected Prince Charming arrived, none other than Billionaire boy Vash Illustre. "I'd like to be your boyfriend," she said. "For real. Would you be with me?" A resounding "yes" she immediately answered.

Chapter 1

Chapter 1

One

“B

ART, pakipaalala sa akin na kailangan kong bilhan ng bouquet of roses si Marinel mamaya pagbalik natin dito sa office.”

“Yes, Sir.”

Kinuha na ng personal driver ni Vash ang kanyang attach

é

case at iba pang naka-folder na papeles sa table. Siya naman ay dinampot ang overcoat na nakasampay sa likod ng swivel chair niya.

“Doon ka um-order ng mga bulaklak sa dati nating kinukuhanan, ha? Magaganda kasi ang mga roses nila.”

“Maganda rin ang presyo nila, Sir.”

“Bart, nanguripot ka na naman,” natatawa niyang sabi. “Para sa mga babae, kailangang the best lahat. They deserve it anyway.”

“Ah, Sir, baka mapagkamalan na naman kayo n’ong babaeng padadalhan ninyo ng bulaklak na may gusto kayo sa kanya.”

“Ha?” Si Bart na ang nagsara ng pinto ng kanyang opisina paglabas nila roon. “Bakit naman magkakagusto sa akin si Marinel? Ikakasal na `yon. And we’re just friends. Hmm, maybe we should send her a box of chocolate as well. She did say na mahilig siya sa matatamis.”

Napansin ni Vash na napailing na lang ang kanyang driver. Hinayaan na lang niya ito. Matagal na niyang tauhan si Bart. At sa tagal na ng paninilbihan nito, itinuring na niya itong kaibigan. Kaya magaan na ang pakikipag-usap nila sa isa’t isa sa lahat ng bagay.

Paglabas nila ng private elevator ay sinalubong siya ng mga bati ng kanyang mga empleyadong babae. Masigla naman niyang binati rin ang mga ito, like he always did.

“Good afternoon, Sir.”

“Good afternoon, Lily.”

“Hi, Sir Vash!”

“Hello, Susan.”

“You’re going out, Mr. Illustre?”

“Yes, Alicia. I’m off to Elite Hotel now. I’ll see you all tomorrow.”

Ilan pang empleyada ang nakausap niya at nakabatian bago siya nakarating sa engrandeng entrance lobby ng Midland Productions. And then he heard those whispers behind him.

“Ang guwapo talaga ni Sir Vash!”

“Hindi nakakasawa ang ngiti niya!”

“Kaya nga wala akong palya sa pagpasok sa office kahit bumagyo pa at bumaha. I just love to see him!”

Nilingon ni Vash ang pinanggalingan ng mga bulungang iyon. He almost laughed when he saw a group of female employees watching him and then turning ultra red in the face when he turned to them.

“Nakakatuwa talaga ang mga tao dito sa Midland, ano, Bart?” sabi niya habang patungo na sila sa nakaparadang limousine sa labas ng building na iyon. “They all seem to know me.”

“Natural lang iyon, Sir. Kayo ang big boss namin, eh.”

“Still, I like the way they smile and greet me. Makes me feel so important.”

“Sir, boss namin kayo.”

“Right.”

“At lahat sila, may crush sa inyo.”

“Ah.” Napangiti na lang siya. “Natutuwa lang sila sa akin.”

“Iba talaga ang dating ninyo sa mga babae, Sir.” Binuksan na ni Bart ang pinto ng limousine para sa kanya. “Ngiti n’yo pa lang, kinatutuwaan na nila.”

Kinuha ni Vash ang attach

é

case. “Yeah. Basta huwag lang nilang panggigigilan ang pisngi ko.”

Natatawa na napapailing na lang itong sumakay na sa driver’s seat. “Masyado kasi kayong mabait, Sir. Kunsabagay, mabait naman talaga kayo. Kaya lang minsan, dahil sa kabaitan ninyong iyon ay madalas kayong napapahamak sa mga babae.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

His driver adjusted the rearview mirror. “Sa sobrang kabaitan ninyo at atensiyong ibinibigay sa mga babae, inaakala na tuloy nilang may espesyal kayong nararamdaman sa kanila.”

“Hindi naman siguro, Bart. Ina-appreciate lang nila ang mga ibinibigay kong tulong sa kanila.”

“Maniwala kayo, Sir. Iyang si Marinel, pagkatapos ninyong padalhan ng bulaklak, siguradong break na sila ng boyfriend niya.”

Malakas lang na natawa si Vash. “Bart, saan mo ba nakukuha ang mga ideyang iyan? Siguro nakabasa ka na naman ng showbiz balita, ano? Sinabi ko na sa iyong wala kang mapapala sa kakabasa mo ng mga tsismis.”

Tumawa na lang din ito, saka binuhay ang makina ng sasakyan. “Concerned lang naman ako sa inyo, Sir Vash. Noong nakaraang buwan kasi, muntik na naman kayong mapahamak nang sugurin kayo ng boyfriend ni Anita dahil bigla na lang nakipag-break sa kanya si Anita.”

“Hindi lang sila gaanong nagkaintindihan. Nakita mo naman, nagkaayos din sila agad pagkatapos n’on.”

“Pagkatapos ninyong kausapin si Anita,” pagtatama nito.

“Hay, sige na po, Tatang.”

Ganoon talaga sila mag-usap ng driver niya. Kunsabagay, mula nang magtrabaho sa kanya si Bart ay itinuring na niya itong hindi iba sa kanya. Counsellor din niya ang lalaki minsan, pyschologist, bodyguard, alalay, at kainuman kapag tinatamad siyang magpunta sa mga bar at makipagkita sa mga kaibigan. Halos hindi rin sila nagkakalayo ng edad pero madalas, parang mas matured pang mag-isip sa kanya si Bart.

Napalingon si Vash sa labas ng tinted window ng kanyang limousine. Ala-una pa lang ng hapon, makapal na ang trapiko sa kalye. Nami-miss na tuloy niya ang malalawak na kalsada sa Spain kung saan naroon ang malawak na vineyard at winery ng kanilang pamilya. Noong nag-aaral pa siya sa Amerika, madalas siyang umuuwi sa vineyard nila dala ang kanyang sasakyan na madalas niyang ‘pinalilipad’ sa mga highway patungong Spain. Pero sa Pilipinas kung saan nakabase ang real estate at production company na hinahawakan niya, hindi puwedeng ‘magpalipad’ ng sasakyan. Kaya mas pinili niyang mag-hire na lang ng personal driver para maiwasan ang masama niyang hobby sa kalye. Baka kasi makadisgrasya pa siya nang wala sa oras.

May dalawang bata na kumatok sa tinted window ng sasakyan. Ibinaba ni Vash ang bintana at agad na sinalubong ng mga bungkos ng sampaguita ang kanyang mukha.

“Bili na po kayo ng sampaguita,” sabi ng batang lalaki. “Sige na po.”

“Sa akin na lang po kayo bumili,” sabi naman ng batang babae. “Kasi kailangan po ng nanay ko ng pambili ng gamot sa sakit niya.”

“Nanay ko rin po may sakit. Saka tatay ko po at lola.”

“Wala ka namang lola, eh!” kantiyaw ng batang babae sa batang lalaki.

“Eh, ikaw, wala ka namang nanay na!”

“May nanay ako!”

Nakangiti na lang na inilayo ni Vash sa mukha ang mga bulaklak. “O, huwag na kayong mag-away, mga bata. Bibilhin ko na lang pareho ang mga sampaguita ninyo.”

Habang kinakapa niya ang wallet sa bulsa ay panay ang sigaw ng dalawang bata. Nang makita ang laman ng wallet ay nilapitan niya ang driver at kinalabit mula sa nakabukas na divider.

“Bart, pahiram na muna ng isang libo. Wala akong cash ngayon. Mamaya na lang kita babayaran kapag nakapag-withdraw ako.”

Agad naman siya nitong binigyan ng dalawang limandaang papel. Binalikan niya ang dalawang bata.

“Hayan, huwag na ninyo akong suklian. Bumili kayo ng pagkain, ha? At gamot na rin para sa lahat ng kamag-anak ninyong may sakit.”

“Salamat po!” magkapanabay na sabi ng mga ito, saka mabilis na umalis.

Nangingiti na sinundan ni Vash ng tingin ang mga bata na nakiumpok sa iba pang mga batang may mga hawak ding sampaguita.

“Paglaki ng mga `yan, Bart, magiging magaling silang negosyante.”

“Sa tingin ko, Sir, ngayon pa lang ay magaling na sila.”

“Talaga?”

“Oho, Sir. Magaling na mga manggagantso.”

“Ikaw talaga, Bart. Ganyan talaga sa negosyo. Kailangang madiskarte ka.” Muli niyang tiningnan ang mga bata na ngayon ay tila itinuturo na sila sa iba pang kasama ng mga ito. “At madiskarte ang mga iyon… Uh-oh. Bart, pautang uli.”

Nagsitakbuhan kasi sa direksiyon ng sasakyan nila ang mga batang kanina lang ay kausap ng mga binilhan niya ng sampaguita. Magkakahalong amoy ng ilang-ilang, sampaguita, at car freshener na ang masasamyo sa loob ng sasakyan dahil sa dami ng sampaguita na binili niya sa mga batang lansangan.

“Sir Vash, okay lang ba kayo diyan?”

“Yeah, I’m fine.” Napailing na lang siya habang hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang gabundok na bulaklak sa kanyang tabi. “Bart, ihinto mo na muna ang sasakyan natin sa unang simbahang makikita mo.”

“Yes, Sir.”

“Gusto mo ng sampaguita?”

“Salamat na lang, Sir. Nahihilo na ako sa amoy niyan dito, eh.”

“Ikaw, Bart, ha? Nagdududa na ako sa `yo,” biro niya. “No’ng una, nagbabasa ka ng mga showbiz balita. Ngayon naman, nahihilo ka sa amoy ng sampaguita. Buntis ka, `no?”

“Twenty-four months na, Sir. Ninong kayo sa binyag, ha?”

“No problem. Teka, Bart, baka sampaguita ang pinaglilihian mo.”

“Sir, naman. Ano ang palagay n’yo sa akin, cheap?”

Napakunot na lang ang noo ni Vash. “Bart, hindi bagay sa `yo.”

“Kinikilabutan na nga ako dito, Sir.”

Naputol lang ang halakhakan nila nang sa wakas ay ipasok nito sa parking lot ng isang simbahan ang sasakyan. Pagkatapos ay pinagtulungan nilang dalhin ang mga sampaguita sa loob ng simbahan. Sinalubong sila ng nagtatakang caretaker.

“Ah, donasyon po namin para sa simbahan.” Ibinaba ni Vash ang mga bulaklak sa isa sa mahahabang upuan doon. “Kayo na ho ang bahala diyan.”

“Napakarami naman nito. Pero salamat na rin. Pagpalain kayo ng Poong Maykapal.”

“Sana nga po. Sige, magandang araw po sa inyo.”

Palabas na sila ng vicinity ng simbahan nang mamataan niya sa gilid niyon ang ilang mga batang naglalaro sa Bermuda grass. Sa kabilang bahagi niyon ay nakalatag ang isang mahabang mesa kung saan naghahanda naman ang tatlong kababaihan ng mga pagkain.

“Feeding program iyan ng simbahan para sa mga batang lansangan,” wika ng caretaker nang maabutan sila sa labas. “Tuwing tanghali ay nagpapakain ang simbahan sa tulong ng mga volunteers at donors ng mga deboto ni Santa Teresita.”

“Sir, Vash, mahuhuli na kayo sa meeting ninyo sa Elite.”

Tinapunan ni Vash ng huling tingin ang eksenang iyon sa gilid ng simbahan bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Hinugot niya ang cell phone sa bulsa ng suot na slacks.

“Hello, Gloria?” Ang sekretarya niya ang tinawagan. “Can you find out something about this certain church in Quezon City…”

IBINAGSAK ni Presea ang mga kumot at bedsheet sa utility room kasama ng mga tuyong tuwalya at face towel.

“Aray ko po…” Nag-inat siya para mabanat ang mga kalamnang nanigas na yata sa sobrang pagtatrabaho. “Ang sakit na ng buong katawan ko.”

“Tapos ka na sa mga assignment mong rooms?” tanong ni Lita na gaya rin niyang chambermaid sa Elite Hotel.

“Hindi pa nga, eh. Meron pa akong pitong room sa eighteenth floor.”

“Kumain ka na muna tutal break time mo na, `di ba?”

Ibinagsak na lang ni Presea ang katawan sa tambak na mga bedsheet. “Mas gusto kong magpahinga na muna. O kaya, itutulog ko na lang ang break time ko.”

“Nasa ospital pa rin ba ang nanay mo?”

Ipinikit ni Presea ang mga mata. Tatlong araw nang naka-confine sa ospital ang kanyang ina dahil sa aksidenteng tinamo nito nang madulas sa banyo nila at tumama ang ulo sa semento.

“Ang sabi ng doktor, kailangan pa raw siyang obserbahan habang hinihintay ang resulta ng CT scan niya.” Ipinatong niya ang braso sa noo. “Sana nga maging maayos na ang lagay niya.”

“Kaya pala doble-kayod ka ngayon. Pero hinay-hinay ka lang, Presea. Baka sa susunod, ikaw naman ang maospital dahil sa sobrang trabaho.”

“Kailangan kong magtrabaho nang husto. Malaki-laki na ang ginagastos namin sa pagpapaospital ni Nanay. Kung papatay-patay ako, walang mangyayari sa amin.”

“Hay, ewan ko ba naman sa `yo kung bakit ka nagtitiyaga sa pagiging chambermaid mo dito. Kung ako ang may hitsura at katawan na gaya ng sa `yo, aba, mag-aartista ako o kaya naman magmomodelo. O kaya naman, maghahanap ako ng guwapo at mayamang guest sa hotel na ito at magpapakasal sa kanya.”

Napangiti lang siya. “Actually, naghahanap na nga rin ako ng guwapo at mayaman, eh,” sakay niya. “Kaya lang, mukhang madalang na gumawa ng gano’ng lalaki ang Diyos.”

“Pinaglololoko mo na naman akong babae ka, eh. Teka, hindi ba’t nakapag-aral ka ng kolehiyo?”

“Hanggang second year lang ako. Kapos na kasi talaga kami sa pera kaya huminto na lang ako para magtrabaho.”

“Magpasa ka kaya ng resume sa HRD ng Elite? Malay mo, mabigyan ka nila ng mas mataas na posisyon, tutal naman nakapag-college ka kahit paano.”

“Hindi nila papansinin ang mga undergraduate na gaya ko. Alam mo namang mahigpit ang kompetisyon ngayon sa job market. Mabuti nga at nakapasok pa ako dito sa Elite.”

“Ayaw mo bang mangarap nang mas mataas?”

“Saka na kapag may panahon na akong mag-isip.” Biglang napatayo si Presea nang tumunog ang telepono. Siya na ang sumagot dahil kumakain pa si Lita. “Housekeeping, hello.”

You May Also Like