Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Vincent Noblejas (The Billionaire Boys Club 8)

Precious Pages · Ongoing · 10 Chapters

...

About this book

Xeena returns home to follow her crush Silvanus Arellano. But instead she meets a man named “Vincent Noblejas” - cute but extremely bossy. A dangerous mixture. A rather dangerous man. And she finds out she can't just help but follow her instincts...

Chapter 1

N AKAMASID lang si Xeena sa malawak at napakagandang tanawin sa kanyang harap mula sa breakfast pavillion ng Villa La Rossi, ang villa hotel na pag-aari niya. Madalas siyang tumambay doon tuwing umaga. She put her cup of coffee down and smiled to herself. Hindi na yata siya magsasawa sa luntiang tanawin ng tahimik na bayan ng Tuscany sa Italy. Sa mga magulang niya ang hotel villa na iyon na ipinamana sa kanya. Maliit lang iyon pero dahil sa ganda ng architectural design at kapaligiran, agad siyang naakit. At dahil natural na business-minded kahit wala pang experience sa pagtatrabaho, Xeena turned the villa into an exclusive villa hotel. Ngayon ay hindi lang tahanan ang meron siya kundi mapagkakakitaan na rin.

“Kayo na lang muna ang gumala, hon. Kukuha lang ako ng ilang shots dito.”

“Trabaho pa rin ba ang iniisip mo hanggang ngayon?”

“Of course not. Kukuha lang talaga ako ng ilang shots mula dito dahil talagang, wow, ang ganda dito. Sa galing ko bilang isang photographer, siguradong magkakamal ako ng salapi kapag ibinenta ko sa Hallmark at iba pang postcard companies ang mga kuha ko rito.”

Nilingon ni Xeena ang tila mag-asawang nagkukulitan. Isang napakaguwapo at matangkad na lalaki ang nakita niyang may kargang bata na sa tantiya niya ay nasa isang taong gulang pa lang. Kausap nito ang maliit pero napaka-cute na babaeng kung hindi siya nagkakamali ay ang asawa nito.

“Para kang miyembro ng sindikato kung magsalita.”

“Miyembro ng sindikato? Ang cheap, ha? Leader naman, hon, para sosyal kahit paano.”

The guy just smiled broadly. “Mamumuti talaga ang buhok ko sa kunsumisyon sa `yo.”

“Nagrereklamo ka na ba nang lagay na `yan?”

“No. I would have loved to grow old with you, Dunkey.” He lovingly kissed the woman. “Nandoon lang kami ni Alexis sa lake sa harap nitong hotel. Makikita mo kami mula dito kaya kapag nagsawa ka na dito, puntahan mo lang kami doon.”

Xeena smiled as the man and the little boy in his arms walked towards the lake.

“That’s so sweet,” sabi niya sa sarili. Pero masyado yatang napalakas dahil napalingon ang naiwang babae. “Sorry, I can’t help hearing your conversation.”

“ Noypi ka rin?”

“Pinoy? Ah, oo.” Niyaya niya ang babae sa kanyang table. “My name’s Xeena Salvacion. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng Filipino guests dito.”

“Kung gano’n, super sosyal itong lugar ninyo.” Naupo na rin ang babae sa bakanteng silya pagkatapos ilahad ang kamay. “I’m Dunkey Fontanilla. Donata for long. So, dito ka nagtatrabaho?”

“Not really. I own this villa hotel.”

“Talaga? Wow. I must say, ito na yata ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko dito sa Italy.”

“Thank you.”

“If you don’t mind, puwede ko bang i-feature itong villa hotel mo sa magazine namin sa `Pinas? I’m working as a writer kasi.”

“Really? Well, that would be nice.”

“Yeah. Magandang promotion ito sa inyo dahil mag-uumpisa na ang international distribution ng magazine namin. In fact, I have a copy here with me.”

Isang glossy magazine ang ibinagsak ni Dunkey sa table nila. Xeena’s eyes immediately caught the pictures of handsome men on the cover and its title.

“The Billionaire Boys Club?”

“Ha? Oh yeah. The new boys on the block.” Nakangiting tiningnan din ni Dunkey ang larawan. “Guwapo, `no? Mayaman din ang mga `yan.”

“Kilala mo sila?”

“I created them.” Hinipan pa nito ang mga daliri. Nakakatuwang tingnan ang babae na sa height na nasa limang talampakan lang siguro ay punong-puno ito ng confidence sa katawan. “Well, actually, I just write about them. The young billionaires of our beloved Philippines. My husband Ran, he was a former billionaire boy himself. `Yong lima pang iba, may mga asawa na rin. Pero sa dami ng mga nahumaling sa mga lalaking iyon, marami ang nag-request na magkaroon ng batch two.” Itinuro ni Dunkey ang magazine. “And, there you go.”

Binuklat ni Xeena ang magazine at sa bawat pahina niyon ay parang gusto niyang mapabuntong-hininga. Para kasing sa mga romance novel lang nag-e-exist ang mga lalaki sa larawan. Pero isa lang doon ang nakakuha ng atensiyon niya. Billionaire boy Silvanus Arellano.

“Vincent Noblejas,” sambit ni Dunkey na nakitingin na rin sa magazine. Isang blown up snapshot ng lalaki ang sinisipat nito. “The telecom magnate. Shares of his flagship wireless telecom outfit, AlphaCom, soared seventy-six percent during the year. His business empire also includes holdings in retail, banking and insurance, and auto parts manufacturing in Germany, owns more than a million acres of ranch land all over the world, and is now making his name in the world of oil production.” Saglit itong natigilan. “Aba, mas mayaman pa siya kay Ran ko?”

Kahit hindi interesado sa topic ay na-curious na rin si Xeena na malaman na may mga tao nga talagang may kakayahang magpatakbo ng ganoon karaming negosyo. Wala naman kasi siyang hilig magbasa ng mga business papers kaya ang makarinig ng mga kuwento gaya ng Billionaire Boys Club ay bago talaga sa kanya. Handsome, rich, and single. Sino ang hindi maku-curious?

Sa wakas ay pinansin ni Xeena ang larawan ng lalaking tinutukoy ni Dunkey. The man was handsome all right. Maybe the most handsome of the bunch. But there was also something in his eyes, that even though he wasn’t looking directly at the camera, he was silently commanding anyone to back off.

“Vincent is one hell of a businessman,” patuloy ni Dunkey. “But he’s also one heck of man. Kapag nakita mo siya, mas mabuting tingnan mo na lang at pangarapin sa malayo. You’ll be safer that way. Alam mo bang panakaw pa nang kunan ko siya ng picture? Masyado kasing pribado ang isang ito. Ayaw ng istorbo. Ayaw pang magpakuha ng picture samantalang pang-poster nga ang hitsura niya. `Di ba?”

“Okay lang. Paano mo nga pala nakuha ang mga impormasyong ito sa kanya?”

“He agreed for an interview. Importante kay Vincent ang privacy pero alam din niya kung ano ang mga bagay na makakatulong para mas mapalago pa ang business empire niya.”

“Oportunista,” Xeena said, flipping the page back to Silvanus’ smiling picture.

“Not really. Just a clever businessman.”

“With all his money, nakakatulog pa kaya siya nang mahimbing sa gabi?”

“Tanungin mo siya. May number ako ng opisina niya sa Maynila.”

“No, thanks. But I wouldn’t mind having Silvanus’ number, though.”

“Ohhh.”

“I’M IN love, Hevn,” sambit ni Xeena sa pinsan habang hindi nilulubayan ng tingin ang papalayong lalaki. “I’m in love with Silvanus Arellano!”

Katatapos lang niyang makilala ang naturang lalaki. Dalawang araw matapos umalis ng pamilya nina Dunkey sa Villa La Rossi ay dumating naman ang isa sa bagong miyembro ng prestihiyosong Billionaire Boys Club. Ayon sa pinsan niyang si Hevn na unang nakakilala kay Silvanus, nagkaroon daw ng business meeting ang lalaki sa Italy na na-cancel lang kaya ito naroon ngayon sa kanyang villa hotel. And the moment Xeena saw him, she almost fainted. Dahil mula nang araw na makita ang picture ni Silvanus sa magazine, hindi na niya ito nakalimutan pa.

“I’m in love with him!” ulit ni Xeena, saka hinila si Hevn paupo sa iniwang table. “Mamayang hapon pa ang flight niya, `di ba? I have got to know him better.”

“What the hell are you talking about? You’re not going to—”

“Ask him out on a date, yes!” Pagkatapos ay seryoso niyang binalingan ang pinsan. “Will you ask him out for me?”

“Ibuhos ko kaya sa `yo itong kape mo at nang matauhan ka?”

“Please, Hevn? Sinabi mo kanina na hinahanap mo ang purpose mo sa buhay, hindi ba? Well, baka ito na `yon.”

“My purpose in life is to be an idiot?”

“No. To make sure I’ll be happy with the man of my dreams.” Tuwing maiisip ni Xeena ang guwapong lalaki ay parang magha-hyperventilate siya. “Ask him out for me, Hevn.”

“What?! Nasisiraan ka na ba ng bait?”

“Siguro nga. Well, will you do it?”

“No! Kung gusto mo siyang maka-date, ikaw ang kumausap sa kanya. Leave me out of it.”

“Hindi ko siya kayang kausapin. Alam mo namang kapag masyado akong nauunahan ng emosyon ko, kung ano-anong kapalpakan ang nagagawa ko. Isa pa, ngayon lang ako hihiling sa iyo ng ganito.”

Hindi na malaman ni Hevn ang gagawin.

Parang gusto tuloy magtaka ni Xeena. Ang pinsan kasi niya ang tipo ng babaeng hindi na naaapektuhan ng ibang lalaki kapag may boyfriend na. Si Silvanus ba ang dahilan ng tila disorientation nito ngayon?

“May gusto ka ba kay Silvanus?”

“Ano bang klaseng tanong `yan, Xeena?” Diskumpiyado pa rin siya. “No, wala akong gusto kay Silvanus mo. At para matahimik ka na, fine, I’ll ask him out for you.”

Buong maghapon tuloy na nanatili lang si Xeena sa kanyang silid para magsukat ng damit para sa date nila ng binata. Gusto na niyang matawa habang sinisipat ang sarili sa salamin. It was really unusual for her to act this way. Kaya nga interesado rin siyang malaman kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya kay Silvanus. Was she attracted to him? Yes. Madali niyang tinanggap ang katotohanang iyon. Kaya ngayon, gagawin ni Xeena ang lahat para masunod ang nararamdaman. Inaamin niyang pihikan siya pagdating sa lalaki kaya nga hanggang ngayon, sa edad na beinte-otso, ay wala pa rin siyang boyfriend. Xeena was very idealistic when it came to the matters of the heart. Ang gusto niya, unang kita pa lang sa lalaki ay may ‘spark’ na agad. Hindi bale nang siya lang ang nakakaramdam niyon. Tutal naman, ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong iyon. Kung hindi pareho ang damdamin nila ng lalaking nagustuhan, well, she would get to that later.

In the meantime, she would just entertain this wonderful feeling she was having.

Pero dala na nga yata ng natural na daloy ng buhay ang kabiguan. Dahil sa unang pagkakataon, mukhang mabibigo pa si Xeena nang wala sa oras. Nalaman niya sa pinsan na pumayag si Silvanus sa kanyang imbitasyon niya. Pero pagdating ng usapan nila, isang maliit na note lang sa kapirasong papel ang naabutan niya. Nakasaad doon ang pag-alis ni Silvanus nang walang paalam. Nagkaroon daw ito ng problema sa isa sa naiwang negosyo sa Pilipinas at kinailangan na talagang umalis agad.

“Ano’ng gagawin ko, Hevn? Hindi ako mapapakali nito.”

“Ano pa nga ba naman ang puwede mong gawin ngayon kundi ang tigilan na si Silvanus?”

“Hevn, you know I can’t do that. This is the first time I ever felt this way towards a guy. And I’ve been waiting for this feeling for such a long time. I can’t just ignore it.”

“Xeena, baka naman nabibigla ka lang. Na attracted ka lang sa kanya dahil, well, talaga namang guwapo siya.”

“No, Hevn. I have this strange feeling inside me that tells me I shouldn’t just let him go. Not yet.”

“Well, cousin, as you may know by now...” Itinaas ni Hevn ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang note ng binata. “Wala na siya. Nakaalis na.”

“And I know where to find him.” Desidido na siya nang harapin ito. “I’m going to the Philippines, Hevn. I’m getting him back.”

“Xeena, naloloka ka na ba?”

“Siguro nga.” She gave out a breathless laugh. “Sinabi ko na sa `yong ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. At wala akong balak na bale-walain iyon.”

“You can’t do it!”

“You’re right. I can’t do it alone.” Binigyan niya si Hevn ng isang mahiwagang ngiti. “That’s why you’re going with me.”

Sa isang salita, silang dalawa ng pinsan ang bumalik sa bansang pinagmulan kinabukasan mismo at tumuloy sa isang hotel. Ayaw pa nga ni Hevn noong una dahil nasa Italy na nga naman ang buhay nila. And for the last couple of years, halos lahat na ng kamag-anak nila ay nakapag-migrate na rin sa iba’t ibang panig ng mundo dala ng kanilang mga napiling propesyon. Inakala nga ni Xeena na hindi na siya makakabalik pa sa Pilipinas kahit kailan dahil wala na nga naman siyang babalikan pa. Hindi pumasok sa isip niyang ang tanging makakapagpabalik sa kanya sa kinagisnang lupain ay isang lalaking ni hindi nga siya lubos na kilala.

“So, ano na ang gagawin mo ngayon, Xeena?” baling sa kanya ng pinsan na kanina pa sinisilip ang tanawin mula sa bintana ng hotel na tinutuluyan nila. “Sinamahan kita dito dahil nag-aalala ako sa `yo. Wala na tayong kamag-anak na mahihingan mo ng tulong sakaling malagay ka sa alanganin. Pero isang linggo lang ang ilalagi natin dito. Hindi puwedeng iwan natin ang mga trabaho natin sa Italy nang masyadong matagal.”

“Oo na, oo na.” Patuloy niyang hinalungkat ang luggage bag hanggang sa makita ang hinahanap. Ang kopya niya ng Philippine Stats . “Ah, here it is!”

“Ano’ng gagawin mo diyan?”

“I’m going to contact Dunkey.”

“What? You’re talking to animals now?”

You May Also Like