Wifely Duties

Wifely Duties

Precious Pages · Ongoing · 32 Chapters

...

About this book

Agatha will make Reeve fall in love with her. Eventhough, Reeve doesn’t believe in love, she will try to win his heart. And she'll gladly provide her wifely duties to him. Even if he doesn't love her yet ...

Prologue

I SANG mababang bakod lang ang pagitan ng grade school at high school department ng Saved By Grace Academy.

Uwian na pero wala pa ang sundo ni Agatha kaya nakipaglaro muna siya sa mga classmate niyang wala pa ring mga sundo. Nagkayayaan silang maghabulan sa school grounds.

Pawis na pawis na si Agatha sa kakatakbo pero ayaw pa rin niyang tumigil. Masaya siya kahit hinihingal na. Wala kasi siyang kapatid at ang mga pinsan naman niyang lalaki, ayaw makipaglaro ng habulan sa kanya dahil baka raw madapa siya at masaktan.

Hinahabol si Agatha ng isang classmate niya. Ito ang taya. Tumatawa siya habang tumatakbo. Hinding-hindi siya magpapahuli sa kaklase. Binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa mamalayan na lang na may bola ng soccer na tatama sa kanya.

Napahinto siya at iniharang ang dalawang kamay sa mukha. Pero natamaan pa rin siya ng bola sa dibdib. Malakas. Napatili siya nang mawalan ng balanse at bumagsak sa madamong lupa.

“Darn! I’m so sorry.”

May tumulong kay Agatha na makatayo. Nakaharang pa rin ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha.

“I’m so sorry, little girl. Nawala sa direksiyon ang sipa ko. Are you okay?” masuyong tanong pa ng responsable sa soccer ball na tumama sa kanya.

Inalis ni Agatha ang mga kamay sa mukha at kinapa ang dibdib. “Ouch…” daing niya.

“Sa dibdib ka ba tinamaan?”

Tumingala siya at ganoon na lang ang naging pagsinghap nang makita ang mukha ng lalaki. He was handsome!

“I’m really sorry...” he said sincerely.

Maganda ang mga mata ng lalaki. Ordinaryong itim ang kulay pero may kakaiba...

“Gusto mong dalhin kita sa clinic?”

Umiling si Agatha. “I-I’m fine.”

“Are you sure? Nakita kong natumba ka. Saan ka ba tinamaan?”

Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ni Agatha. “A-ah…”

Hinawakan pa siya ng lalaki sa magkabilang balikat. Lalo pa siyang napatingala dahil malaki talaga ang itinangkad nito sa kanya.

“Dalhin na kaya kita sa clinic?”

“Agatha! Agatha!”

Napalingon si Agatha. Tumatakbo palapit sa kanya ang mga kalaro niya.

“Kuya, ano’ng nangyari?” tanong ng kaklase niyang taya kanina.

“Namali kasi ako ng direksiyon ng pagsipa sa bola. Natamaan siya.”

“Agatha, okay ka lang?”

Tumango lang si Agatha. Hindi naman kasi talaga siya gaanong nasaktan.

“Reeve! Ano na’ng nangyari diyan? Kailangan nating ituloy ang practice!” sigaw ng isang lalaki sa kabilang bakod.

Noon lang napansin ni Agatha na naka-soccer uniform ang lalaking nakatama sa kanya ng soccer ball.

“High school ka na... p-po?” tanong niya. Nag-atubili pa siyang magdagdag ng “po” dahil pakiramdam niya ay hindi iyon kailangan.

“Yup. Nagpa-practice kami para sa intramurals. I’m really sorry.”

Nakatingin siya sa mga mata ng lalaki kaya nakikita niya kung gaano ito ka-sincere sa paghingi ng tawad.

“O-okay na p-po ako. Wala na pong masakit, K-Kuya…”

He sighed in relief. “Thank God. Pasensiya na talaga, ha?”

“Reeve! Bilisan mo! Baka mapagalitan tayo sa pagtawid mo diyan.”

“Sandali na lang, Prince!” sigaw rin ng lalaking tinawag na “Reeve.”

“Kuya, I’ll be all right. Balik na po kayo sa laro ninyo,” sabi ni Agatha.

Tumango si Reeve, pagkatapos ay ipinatong ang kamay sa kanyang ulo. “Take care.” Ngumiti ito kasabay ng pagngiti rin ng mga mata.

Nagpaalam din ito sa mga classmate niya at mabilis na tumawid sa bakod dala-dala ang soccer ball.

You May Also Like