Wild Rose (Kristine Series 8)

Wild Rose (Kristine Series 8)

Precious Pages · Ongoing · 10 Chapters

...

About this book

A beautiful widow. And she wants to run away from her brother-in-law. From Houston, Texas, Kristine was swept into a savage paradise on the island of Navarro in Quezon Province. Alvaro, the eldest son of Franco Navarro, was a handsome devil with no intention of getting married. He thought he didn't want to.

Chapter 1

Chapter 1

Chapter One

1968

P

umapasok

pa lang sa garahe ng mansiyon ang kotse ni Franco Navarro ay nakamasid na si Monica mula sa

f

rench window. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya nang makitang lumabas ng kotse si Franco. Ibinaba niya ang kurtina at humugot ng malalim na buntong-hininga at sinalubong ang lalaki.

“Congratulations to the new father!”

“Nicky!” nakangising bati ni Franco. “Kailan ka pa dumating?”

“Minutes ago. Dito ako dumiretso dahil hindi ko alam kung saang ospital naroon si Bea.”

i

nilahad ng dalaga ang kamay na tinanggap naman ni Franco at mahigpit na pinisil. “How’s the new father?” May kislap ang mga mata ng dalagang tumingala rito.

“Great, Monica! I have never been this happy. Ganito pala ang nagiging ama,” nakangising sagot nito. Inakbayan ang dalaga at inakay patungo sa bar room. “Lalaki ang unang anak namin ni Bea. A nine-pound healthy baby boy. And by

g

od, kamukhang-kamukha ko,” pagmamalaki nito.

“Kailangan kung ganoon ng celebration,

Franco,” naka-plaster na sa mukha niya ang ngiti na tumingala sa lalaki. Nakakahawa ang galak at kaligayahan sa mukha ni Franco. Inalis ng lalaki ang braso sa balikat ng dalaga at kinuha ang bote ng champagne sa mini ref sa bar at nagsalin sa dalawang kopita.

“You bet. Nagpamigay na ako kanina sa office ng tabako,” at malakas na humalakhak ang lalaki. Bakas sa mukha ang kaligayahan. Inabot ang kopita kay Monica. “Here, cheers...”

Kumikislap ang mga matang itinaas ni Monica ang kopita padikit sa kopita ni Franco. “Cheers!”

ISANG linggo ang lumipas makapanganak si Bea ay bumalik sa opisina si Franco dahil sa importanteng board meeting. Naroon din si Jerome na ang kasiyahan sa mukha ay hindi maikakaila.

“Kumusta ang bagong ama?” nakangisi nitong bungad kay Franco na kung sinsero ang pagbati ay walang nakakaalam.

Nagkibit ng mga balikat si Franco at ibinaba ang attaché case sa ibabaw ng conference table.

“Let’s cut the hypocrisy, Jerome, by exchanging pleasantries we really don’t mean,” patuyang wika ni Franco. “And I hope you won’t be too disappointed when your sword didn’t take off my head

in this meeting.”

Humalakhak si Jerome. “Sa palagay mo ba’y maibabalik sa iyo ang management, Franco? Why, I have more resources than you do.”

“Hindi resources ang pinag-uusapan dito. Capability and brains!”

Tumaas ang mga kilay ni Jerome. “Meaning, wala ako n’on?”

“From the mouth of the babe,” kaswal na sagot ni Franco na sinamahan ng patuyang ngiti.

Tumiim ang mga bagang ni Jerome sa deretsahang insulto. But as usual, hindi si Jerome ang nagpapadala sa init ng ulo. At gustong hangaan ni Franco ang lalaki kung paano nito nagagawa ang ganoong self-control. Kung siya iyon, kanina pa umigkas ang kamao niya. But then, ibang paraan sumalakay si Jerome, pailalim at higit na mapanganib. Tulad na lamang ng ginawa nito sa kanila ni Bea. Ganoon din ang lihim na pagbili sa shares ng ibang miyembro ng board.

Hindi nagtagal ay dumating si Erlinda bilang

miyembro ng board. Ilang sandali pa ang lumipas at naroon na ang lahat ng directors. Matapos ang pagbasa ng minutes ay tumayo si Jerome upang ipahayag ang mga plano at panukala nito tungkol sa FN Canning. Mahigpit nitong ini-emphasize na malaki ang malasakit nito sa kompanya dahil ang ama nito, si Don Arsenio Gascon, ang nagtayo dito at kung ano ang magagawa ng extra-capital na ilalagay nito sa kompanya mula sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang litanya ni Jerome ay naupo ito at tinapunan ng ngiti si Franco bilang pag-asam ng tagumpay. Tumikhim si Franco na tumayo mula sa kinauupuan upang siya naman ang magsalita.

“Tama ang sinabi ni Jerome, si Don Arsenio Gascon ang incorporator ng pabrika. But this company is mine. Legal na ipinamana ni Don Arsenio. At tulad ng alam ninyong lahat ay pabagsak na ang kompanya nang hawakan ko. You can all testify kung paano ko inahon mula sa pagkalugi ang kompanya hanggang sa kinalalagyan nito ngayon.”

i

nikot ni Franco ang mga mata sa mga naroong directors.

“Both of us owned now 35% controlling interest sa FN Canning. Ang sa kanya ay ginawa niya

sa tusong pamamaraan bagaman legal hindi dahil may interes siya sa kompanya kundi alam nating lahat na personal vendetta ang pangunahing dahilan ni Mr. Jerome Gascon,” derekta at walang atubiling pahayag ni Franco nang hindi kumukurap.

Malakas na tumikhim si Jerome na biglang nakadama ng pagkailang. Nagpatuloy si Franco.

“Now, on to the confidence vote na siyang dahilan kaya narito tayong lahat ngayon. This is my company,

for years I ran it, I made it what it is now. I have managed to diversify and increased our holdings at isa na tayo ngayon sa matatawag na malakas, malaki, at stabilisadong kompanya.”

i

nikot ni Franco ang mga mata sa naroong mga directors. Isang buntong-hininga a

ng pinakawalan. “I am only sorry na nang dahil sa personal na problema ng pamilya ay nadamay pati ang kompanya. Now, you have to decide kung sino sa amin ni Mr. Gascon ang nais ninyong magpatuloy na Chairman at Presidente. At isa lang ang ang masasabi ko.”

t

initigan niya si Jerome. “I never stabbed anybody in the back kahit na ano pa mang dahilan.”

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Ang tanging maririnig ay ang kaluskos ng mga papel sa harap ng bawat miyembro ng board.

“Now, go ahead and vote,” anyaya ni Franco na bumalik sa upuan. “All you have to do is to choose between two low-down dirty dealing worms to head this company,” amused nitong idinagdag na bahagyang ikinatawa ng ilan.

Kinuha ang boto at ipinasa sa corporate lawyer. Binilang ito at nakangiting ikiniling ang ulo.

“Congratulations, Franco Navarro. You won by three votes.”

i

You May Also Like